Chapter 22
* Cassy’s POV
Habang sakay kami ng kotse. Syempre, magkatabi kami ni JP. Shocks! Totoo ba to? Kasama ko sya! Hehehe. Kaganda ko naman! Ay nakoo! Pag nanligaw ka JP, sasagutin kita. Promise! Sabihin mo lang na gusto mo akong maging girlfriend. Papayag kaagad ako. Ganun kita kamahal.
“Ayos ka lang ba?” tanong nya.
“Oo naman.” Tapos nginitian ko sya.
“I know a jewelry shop, dun na lang tayo bumili?”
“San?”
“Sa UniGold, know that place?”
“Oo naman! Friend ko may-ari nun e!”
“That’s good.”
Sa UniGold kami pumunta. Regalo ng daddy ni Kristha to nung nag17 sya. Kahit nakapangalan sa kanya to madalang lang syang pumunta dito. Yung kita ng UniGold napupunta agad sa ATM nya. Ang bongga nya diba?
Pagkapasok namin sa shop ay pumili ako ng kwintas. Dahil pwede naman i-customize ang necklace. Nagpagawa ako ng pendant na P♥J. Hehehe! Tapos yung isa J♥P para bongga. Sabi nung sales lady maghintay lang daw kami ng 10 minutes. And then we waited, mabilis lang naman dito. Wala si Kristha sayang.
Tumingin na lang ako sa bintana. Nasa loob na pala kami ng village nila. Ang gaganda ng mga bahay, malapalasyo ang dating. Pag nagkapera ako, dito ako bibili ng townhouse. Hehehe! Naman! Yaman ko.
@ Fuentebella’s Mansion.
At last nandito na kami ngayon. Nasa harap ko ngayon ang old version ni JP kasama si Tita Jessy. Lovely as ever! Kaloka, sana ganyan din ako kaganda katulad nya pag matanda nako. Super ganda nya, she’s stunning kahit na simple dress lang ang suot nya.
“Iha, feel at home. Wag kang mahiya samin.” Sabi ni Tita Jessy habang nakaakbay sa kanya ang Daddy ni JP.
“Thank you po.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“It’s nice to finally meet you Iha, bagay na bagay kayo ng anak ko.”
Namula ako sa sinabi ng daddy nya. Gosh! At itong si JP naman. Diyosme! Di man lang ba ako ipagtatanggol? Psh. Nakangiti lang ang loko.
“Hindi naman po.” Sabi ko na lang.
“Tara, kain na tayo. Madami akong hinanda. Siguradong magugustuhan mo.” Nakatingin sakin si Tita Jessy habang sinasabi nya yun.
Pumunta na kami sa dining table. Madaming pagkain. Tignan mo pa lang mabubusog kana.
Katabi ko si JP. Tahimik lang sya. Nawalan ata ng dila e.
“Nasan si PJ?” tanong ng daddy niya.
“Hindi daw sya makakauwi Dad. Alam mo naman sa SLU.” Sagot nya.
“Sabagay, bakit ba ayaw ng kapatid mo sa Wilhelm?”
“Ewan ko ba dun Dad.”
“Oh Honey, mamaya na yan kumain ka muna.” Sabi ng mommy nya.
“Enjoy the food. Masarap ba Iha?” baling sakin ng mommy nya.
“Masarap Tita. Gosh! Mapapadami ata ang kain ko.”
“Hahaha. That’s good. Kain lang ng kain.”
“Opo Tita.” Nakangiti kong sabi.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna ako ng kaunti. Nakaupo kami sa sala. Nagkwento si Tita Jessy about sa lovelife nila ni Tito Paulito. They are such a perfect couple. Sobrang meant to be sila. Nakakainggit. Kailan ko kaya makikilala yung sakin? Hehehe. Nangarap naman ako. Pagkatapos magkwento ni Tita Jessy ay ibinigay ko sa kanila ang gift ko. Syempre I greeted them Happy Anniversary. Natuwa naman sila sa gift ko, ang cute daw. Hehehe! Syempre cute yung nagbigay e.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na ko para umuwi. Pero sabi ni JP aalis daw kami. San naman kaya kami pupunta? Nagpaalam kami sa kanila. Alam naming na moment ng parents nya ang araw na to kaya pinayagan kami kaagad.
Nagmotor bike kami papunta sa SM. Ewan ko kung bakit dito nya naisipang pumunta. Adik ata to e. Hahaha!
“Maaga pa naman e. Mag-date muna tayo.”
“Date? Bakit? Tayo ba?”
“Ehh.. Friendly date naman to e.”
Ahh. Friendly date pala. Awts. T_T
“Hehehe. Sabi ko nga..” sabi ko na lang.
“Tara sa Starbucks!”
Tinreat nya ko ng Caffe Latte and Oreo Cheesecake. Hehe! Favorite ko na to! XD
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists