Author's Note

734K 7.8K 1.6K
                                    

Author's Note

Hello po sa inyo!

Wakas na po ang MMA... Actually, yung dalawang bata ay reincarnation nina Vianca at Mitsui after the accident. Tragic-fantasy po kasi ang genre ng story na 'to..

Hahaha! Joke lang po! Hulaan n'yo na lang kung sino si little boy.. :)))

Yung huling UD ay last chapter ng Part One. Hindi na po ako gagawa ng panibagong libro. Itutuloy ko na lang ang  story dito mismo sa Marrying Mr. Arrogant. Baka nga 10 chapter na lang at magwawakas na 'to. Baka lang. I'm not so sure.

WALA PONG MAGIGING SEPARATE BOOK.. Dito ulit sa MMA ang next updates.

By the way, maraming na-bother sa nangyari so I will clarify some of it. Although magiging spoiler na ako.

Dun sa last scene ni Vianca.. It's some kind of a suicide attempt po. Nakasalubong niya sa kalsada yung kotse ni Mitsui, then bigla niyang kinabig papunta sa kabilang lane ang sasakyan niya. In other words, binangga niya yung kotse ni Mitsui.. Huhu.. Nagagawa nga naman ng too much desperation sa buhay.. :'(

Madaming nag-react noon kung bakit kailangang makita pa ni Vian yung BS nina Mikhaela at Mitsui. Yun ay para makadagdag sa agony niya at mag-trigger sa suicide scene niya sa last chapter.

About naman sa pagbubuntis ni Mikhaela. The story goes like this...

Noong nasa Korea si Mitsui, he decided na makikipagbalikan na siya kay Vianca. Kasi in the first place, mahal naman talaga niya ito. Kaya lang, nangyari yung tragic scene at nakunan si Vian.

After ng incident na 'yon, biglang dumating sa bansa si Mikhaela. Nalaman kasi agad nito sa US na wala na yung baby. Anyway, kaya nga ito nag-back off kasi buntis na si Vian.

Then, nagkataong preggy na rin si Mikhaela. Kinausap nito si Mitsui and told him na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito.

She blackmailed him na kapag 'di niya pinanagutan yung baby, isusumbong siya kay Madame Sofia and for sure ay matatanggalan siya ng mana, or better yet ay ipapa-abort na lang nito ang bata.

Tapos may halong brainwash pa na i-divorce na niya si Vianca tutal wala na rin naman yung anak nila. Hayaan na niyang mag-move on ito.

Si Mitsui naman na may pagka-GAGO, eh naniwala agad.

Masakit rin kasi para sa kanya na nawala yung baby nila ni Vianca tapos baka mawala din yung magiging baby nila ni Mikhaela. Kaya yun na nga, pinuntahan niya agad si Vian at pinapirmahan yung divorce papers.



***

Bye, mga mahal kong readers! Sorry kung bihira akong mag-reply sa mga comments n'yo. But rest assured na nababasa ko po 'yon lahat.

I'm sorry din kung hindi ako masyadong nakakapag-interact sa inyo. Anyway, mas gusto kong mahalin n'yo ang story ko at ang mga characters kaysa sa akin na author nito. Hahaha. Enjoy reading! Thanks again!



PS:

Parang awa n'yo na! Wag n'yo pong kasuklaman si Mitsui.. Namomroblema na nga ako kung paano n'yo siya ulit mapapatawad.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon