Trigger 25 - The introduction

8.6K 136 7
                                    

[Edited Ver.]


The introduction



Therbie's PoV :

Black Diamond Agency


Mabilis akong bumaba sa kotse ko at halos sabay-sabay kami nina Kyoko, Chris at Selene na naglakad papasok sa main agency. Nakita na namin agad ang ibang top agents na kung anu-anong ginagawa. Sina CJ at Ely naglalaro ng chess game, habang nag-s-sparring sina Demi at Ela. Ang wala doon ay sina Nicolet, Knight at si Belle. Ang alam ko sinundo ata ng dalawa si Belle sa condo nito. 

Kyoko: "Ohayo~ minna!" {Hello~ everyone!}

Mabilis na napalingon silang lahat sa direksyon namin at automatic na napatingin sila sa babaeng nasa likuran ko. Sina CJ at Ely ang unang nakabawi at binati kami.

CJ: "Welcome back, guys." 

Nagbatian kaming mga lalaki pero habang ginagawa nina CJ at Ely iyon ay napapatingin sila kay Selene, na kiming nginingitian lang sila. Naiilang ito panigurado.

Ely: "Who is she, Therbs? GF mo?"

CJ: "Gagong ito! Hindi niya GF iyan. Hmm.. sino nga ba siya, pare?"

Alchris: "She is--

Hindi natuloy ni Chris ang sasabihin noong may magsalita sa likuran niya.

Belle: "Selene."

Selene: "Belle-chi.."

Nilapitan ni Selene agad si Belle at kumapit sa braso nito. At nakita ko sa mukha niya ang pag-aliwalas, naiilang talaga siya sa ibang agents kanina kaya laking ginhawa niya siguro noong makita si Belle, someone she knows.

Noong nakalapit naman si Selene, ay tiningnan kami ni Belle lahat. 

Belle: "She's my friend, Selene. Introduce yourselves, everyone. At huwag niyo siyang tingnan na parang kung ano."

Ely: "Wow! Ang haba ng speech mo doon ah?"

Tinaas ni Belle bigla ang maliit niyang baril na nasa gilid ng bewang niya.

Belle: "You're saying?"

Agad na itinaas ni Ely ang mga kamay na parang sumusuko at nangingiwing napapangiti kay Belle.

Ely: "J-joke lang naman iyon, Belle. 'Wag ka namang brutal."

CJ: "Ikaw kasi inaasar mo si Belle, ayan na-sampolan ka tuloy."

Ely: "Hindi pa naman ulol!"

CJ: "Pero malapit na iyon, gago."

Belle: "Introduce yourselves, I said."

Nanahimik na naman ang dalawa pagkatapos medyo tumaas ang boses ni Belle. Parang wala ata sa mood ang isang ito? At parang nararamdaman rin iyon ni Selene na pinilit nalang ngumiti at pasiglahin ang iba pa, by introducing herself.

Selene: "Hi, mga agents! My name is Selene Abyssa Atienza, Belle's gorgeous BFF, and..." (bulong) "...soon to be Therbie's sister-in-law. Hihi!"

Lahat kami ay napasinghap sa huling sinabi niya. Kahit na bulong iyon narinig pa rin namin, at mas lalo akong nagulat pero kalaunan ay napangiti nalang rin ako. Siguradong palakpak-tenga ang kapatid ko kapag narinig niya ang sinabi ng babaeng gusto niya.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon