Previous Page of 3Next Page

December

spinner.gif

Hi! First Story. Yung Title, inspired by taylor swift. hindi naman ako fan. Pero nagustuhan ko lang.
Please support.

Feeling writer. So ayun. Sana magustuhan. :)

Please support.

 

---------------------------------------------------

 

DECEMBER.

 

 


PROLOGUE

 

Araw ng Pasko.

Araw ng pagbibigayan.

Araw ng pagmamahalan.

Araw ng Panginoong may kapal.

 

 

Paano mo ba malalaman kung kayo talaga para sa isa’t isa?

Paano mo ba masisigurado na siya na nga at wala ng dadating pang iba?

 

 

 

“Isobel.”

“Kanina kapa?”

“Hindi naman..”  Umupo ako sa tabi niya.

“Sorry kung medyo natagalan ako ah. Hirap kasi tumakas kina Mama. Anong gusto mong pag-usapan? Gabing gabi na, pinapunta mo pa ko dito.” Inakbayan niya ako. “Anong meron? Kwento  na..”

“Anong paborito mong buwan?”

“Ako? Hm, February.”

“Bakit February?” Nilingon ko siya.

“Weird mo. Bakit ba ganyan tanong mo?”

“Sagutin mo nalang.”

“Kasi diba yong prom February? Tapos feeling ko ang romantic pa ng buwan na yon kasi nga di ba don din kapag Valentines day?” Nilagay niya yong jacket niya sa akin. Napansin ata niyang nilalamig na ako.“Ikaw ba?”

“Ako? December..”

“Bakit december? Kasi birthday ko?” Tinignan niya ko tapos nagsmile siya sa akin. Nagsmile siya sa akin. Kaya lang, malungkot yung smile niya. “Pierre?” Tawag ko ulit sa kanya.

 

Chapter 1


“Iso. Hindi pa ba tayo uuwi?”

“Una ka na Monic. Okay lang ako dito.” Tinulak ko na siya at umupo na ako sa bench.

“Kasi naman no, pwede namang lapitan eh. Nagtitiis ka sa patingin tingin mo na yan.” Umupo na rin siya sa tabi ko.

Si Monica Carlos pala, bestfriend ko. Siya  yung unang unang nakatabi ko noong gradeschool sa upuan eh. Tapos hanggang sa yun na, forever na kaming magkasama. Maganda si Monic. Alam ko nga maraming beses na siyang kinukuhang artista eh. Ayaw lang niya. Matangkad, matalino, mabait, mayaman lahat yata ng gugustuhin ng isang lalaki na kay Monica na. Huwag niyo ng itanong kung bakit ko siya naging bestfriend. Basta alam ko lang nagising nalang ako isang araw na sobrang close na namin.

3rd year Highschool na nga pala kami.

Ay, hindi pa nga pala ako nakapagpakilala noh. Pasensiya na. Ako nga pala si Isobel David. Simpleng mamamayan ng Pilipinas. At dahil lagi kong kasama si Monica, nahawa na ako sa kagandahan katalinuhan kabaitan niya. Hahaha. Physical features ko? Hm, Medyo mahaba yung buhok ko. Hindi pa kasi ako nakakapagpagupit eh. Maputi ako, as in. Mas maputi pa nga ako kay Monic eh. Medyo matangkad rin ako. Pero mas matangkad lang si Monica sa akin. NBSB. Hehe. So what? Di ko kinakahiya yun no. Proud pa nga ako eh.

“Akala ko bang uuwe kana?” hindi ko inaalis yung tingin ko sa field.

“Hintayin na kita.” Pause. “Akala ko bang magkaibigan kayo? Tapos ngayon ni Ha ni Ho hindi man kayo nag-uusap. Asar ah. Pero infairness lage siya nagissmile sayo.” Nakita ko sa peripheral vision ko na kumunot yung noo ni Monica.

“Monic naman eh.” Huminga ako ng malalim. At tinignan ko si Monic.

“Oo na Oo na.”

Binalik ko na yung tingin ko sa field. Hindi parin tapos yung practice nila. Pawis na pawis na siPierrepero makikita mo sa mukha niya na sayang saya siya sa ginagawa niya. Yung smile niya.. nakakatunaw. Alam mo niyo yong feeling na nagsmile lang siya parang ang saya saya mo na?

“Kambal, ang tagal na niyang pagsinta mo kayPierreah. Gradeschool pa tayo. Tapos hanggang ngayon ah hanggang ngayon.. For Pete’s sake Isobeeeeeeeeel!” Niyugyog niya yung balikat ko. Hindi siya tumigil hanggat hindi ko siya sinasagot. “Pansinin mo ako Isooooo!”

Napatingin sa amin yung mga nasa field. Grabe kasi kung makasigaw tong si Monic eh. Eh patapos narin naman sila, baka makita ako ni Pierre. Malaman pa niya.

“Tarana nga uwe na tayo.”

Tumayo na si Monic. Inayos yung mga books niya tsaka inabot narin niya yung mga books ko.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (3)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Who's Reading

heart_breaker SweetieLove14 diazepam CrazyTeenForYou joyelfante

Recommended

HEARTPRINT ON MY MIND (Book 1: In the Name of Love)Maybe We're Friends? (Ḱᗩ♈ᖺﬡᓰᗴᒪ) -ABANDONED!Seducing Your BoyfriendMEET THE JERK