Previous Page of 10Next Page

GIRLFRIEND FOR HIRE.

spinner.gif

CHAPTER 30.5- COUNTER ATTACK (the EPIC FAIL plan part 2)

BRYLE's POV

"Nami, kausapin mo naman ako." sabi ko kay Nami habang naglalakad kami papunta sa classroom niya

Asar na to.. ayaw akong pansinin!

"Hoy Nami! kanina pa kita tinatawag dyan! Bingi ka ba?!" bigla kaming tumigil sa paglalakad pagsigaw ko nun

"HINDI KA BA MAKAINTINDI NA GALIT AKO SAYO HUH?!" sigaw niya.. nakakabingi

"Bakit naman?! anu bang ginawa ko sayo?!"

"Hindi pa ba obvious?! Eto! Etong kamay kong naka mighty bond! Sino bang tanga ang may gawa neto huh?!"

"A-ako?!"

"Hindi!! baka ako Bryle?! Potek! Anu ba naman kasing katangahan na naman yang pumasok sa utak mong bobo ka! Hays.. grabe ka talaga." sabay hawak niya sa ulo niya

"Sorry na.."

"Tsk.. hays, tara bilisan mo na lang maglakad. Baka malate pa ako sa klase." ayun na lang ang sinabi ni Nami tapos hindi na ulit sya tumingin sakin.

Hays.. Asar naman oh. Malay ko bang ganito ang kalalabasan ng plano ko?!

.

.

Sa klase ni Nami..

"Oh Mr. Stanford, magsiseat in ka?!" -Teacher ni Nami

"Yeah got a problem w/ that?!"

"N-no.." tss.. tatanung tanung pa.. hindi pa ba obvious?! dagdag pa to sa init ng ulo ko eh

.

.

(-_____-)zzZZZZZZ

"Hoy Bryle gising! anu ka ba?! Bakit ka natutulog dito sa klase ko?!" -Nami

"Eh sa nakakaantok eh! Wag ka ngang istorbo Nami!"

*boink

"Aray! bakit mo ako binatukan?!" daing ko

"Magsosolve kami ng problems! Ang hirap ng isang kamay lang ang gamit ko! Ako ang magcocompute sa calculator, isulat mo yung mga sasabihin ko huh?!"

"Bakit ko naman gagawin yun?! sa klase ko nga hindi ako nagsusu--"

"Sino bang may kasalanan satin huh?! Sino bang may gawa kung bakit nagkaganito ang sitwasyon?!"

"Sa-sabi ko nga eh.." grabe, first time tong talagang natakot ako sa itsura ni Nami.. parang sobrang init ng ulo niya.. hays.. Epic Fail talaga ang plano ko.

.

Makalipas ang ilang minuto..

.

"Bryle sabi ko 3002! bakit 3200 yung nakasulat?! tapos sabi ko 100 030, bakit 100 300? Anu ba naman yan?! mali tuloy yung mga sagot ko! wala akong plus sa recitation ngayon! asar ka!" -sigaw na naman sakin ni Nami

Tapos na ang klase niya at badtrip na badtrip sya. Eh sa mahina ako sa math eh!

"Eh kas--"

"Hays ewan ko sayo! " hindi na niya ako pinatapos

Grabe naman. Bakit ba ang init init ng ulo niya?! tsk.

.

.

"Teka Nami sa classroom namin to ah?!" nasa may pinto kami ng classroom namin ngayon sa FIlipino

"Papasok ka sa klase mo. Hindi ba obvious Bryle?!"

Previous Page of 10Next Page

Comments & Reviews (1576)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Mikako Tabeas Nami Shanaia San Jose
Miura Harumaas Bryle Caleb Stanford
Daniel Hyunooas Mykel Drey Rucafor
Koike Teppeias Tommy Michael Lopez
Kim Jae Joongas Third Kristof Adams
Xiah Junsuas Mervin Steve Folkner
Son Dambias Katie Mae Del Prado
Dennis Joseph O'neilas Tristan Jarred Silvero
Go ARAas Stacy Mae Del Prado
Moon binas Hell Chua
Han Chae Youngas Elida Leiber

Who's Reading

Recommended