Chapter 33.1.4

359K 3.5K 270
                                    

CHAPTER 33.1.4

WAYNE

That son of a bitch is still alive! Damn it! May lahing pusa yata ang gagong Sebastian Greene na 'yon, ah! I wanted him dead and I'd be willing to do everything to see him in a silver casket!

Sa tuwing makikita ko kung papaano nasiraan nang bait ang kapatid ko dahil sa kanya napupuno nang galit ang puso ko. I could still remember noong isang gabing umuwi siya ng bahay at iyak nang iyak.

She mentioned the name Sebastian Greene...

Akala ko nagkaringgan lang ako noong una, pero nang paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan nang lalaking iyon ay halos madurog ang puso ko sa galit!

I've been a good business partner and friend to him! Pero ano 'tong ginawa niya sa kapatid ko?! At tapos sasabihin niyang hindi niya alam na kapatid ko si Pia!

That's bullshit!

Parehas man kami nang likaw ng bituka pagdating sa babae ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya tinalo ang kapatid ko!

Matagal na akong nagpa-plano kung papaano ko siya sisirain kaya't kahit labag sa loob ko ang makipaglapit sa hayop na 'yun ay nagkunwari pa rin akong mabait na kaibigan para lang malaman ko ang bawat galaw niya. At dahil na rin sa pagpapa-imbestiga ko patungkol sa biglaang pagyaman niya ay nalaman ko na may same history pala sila ni Don Pablo sa iisang babae... Doña Celestina Abriaga.

I grabbed that opportunity to get close with Don Pablo who so happened ay gusto ring mapalapit kay Sebastian dahil sa kayamanan at malakas na influence niya sa business world. Gusto niyang makuha ang yaman ni Sebastian dahil bitter pa rin siya. Wala siyang nakuha kay Celestina noon kahit na isang kusing. Natatalbugan na rin siya sa kagalingan ni Sebastian sa negosyo kaya't sinamantala ko ang pagiging greedy niya at pinagplanuhan namin lahat para sa magkaibang dahilan namin. Gusto sana niyang ipakasal na lang ang anak niyang si Samantha kay Sebastian since long time crush na rin ng anak niya ang gagong 'yun. Sinakyan ko lang ang gusto niya, pero hindi ako sang-ayon sa gusto niya dahil alam kong mas mahihirapan akong paghigantihan si Sebastian kung magme-merge ang business nila ni Don Pablo. But since he promised na tutulungan niya akong maisagawa ang plano ko na makapaghiganti sa gagong iyon after na makasal si Samantha kay Sebastian ay pumayag na rin ako.

But none of those plans worked dahil na-inlove si Sebastian with this poor girl Adison Lane.

I sticked to the original plan.

To kill him.

But that would be too easy then. Nito ko lang naisip that I didn't want to see him just got killed. I wanted him to suffer and lose everything that was so important to him.

First on my list...

Mrs. Adison Greene...

The way I see it ay alam na alam ni Sebastian na pakana ko ang pagpapalit ng Big Boss sa Publishing Company. Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi ako tumitigil sa mga plano ko. Though Julien really has nothing to do with everything. Panggulo lang siya para hindi nila mapansin na may pinaplano akong iba.

Mas malaki.

Ngayon ay kasa-kasama ko si Brianna.

Yes, Brianna Reyes.

Sebastian's first love and Adison's sister.

Nakita ko ang opportunity na 'to noong papunta sana ako sa opisina ni Sebastian, pero nakita kong halos himatayin kakaiyak si Adison papasok sa elevator. Out of curiousity ay pumunta ako sa opisina ni Sebastian. Since bahagyang nakaawang ang pinto ng office niya ay dinig na dinig ko ang pag-iyak nang isang babae.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon