Chapter 28.3.3

370K 3.9K 113
                                    

CHAPTER 28.3.3

ADISON

Ang pakikipaghalikan ko kay Sebastian kanina ay ginusto ko ring mangyari. Gusto kong ipakita d'un sa Samantha na 'yun na akin lang si Sebastian at wala na siya ni katiting na pag-asa. Obvious naman kasi sa mga tingin niya na gustung-gusto pa rin niya ang fiancé ko! At kahit gaano pa siya kaganda ay hinding-hindi siya papansinin ni Sebastian dahil ako lang ang mahal nito. Pero sa totoo lang din ay may kakaibang pakiramdam ang ginawa namin kanina.

It's wild and weird, it turns me on too.

Parang ang sexy lang din ni Sebastian kanina habang hinahalikan ako. Halik na mapanukso at nakakabitin. Pakiramdam ko ay lumabas ang inner goddess ko at ako na talaga ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin.

Pauwi na sana kami nang humirit pa ang kaibigan niyang si Wayne nang sayaw sa akin. Kahit na hindi naman talaga ako komportable ay pumayag na rin ako dahil ayoko na lang din nang gulo. Knowing Sebastian ay baka mapaaway pa 'yun nang dahil sa akin so, I played it cool kahit na hindi.

"You're very beautiful Adison..." sabi pa ni Wayne sa akin habang mahigpit niyang hapit ang baywang ko. Amoy alak na siya at mukhang may tama na rin. "No wonder, Sebastian is swept away by you."

"T-thanks..." Tipid akong ngumiti, pero talagang naiilang ako.

"But you know, Sebastian... He's not the type who will take you seriously," sabi pa niya na nakaagaw nang buong atensyon ko.

Inilayo ko ang aking sarili at tinitigan ang kanyang mukha. How could he say such things to me? Kaibigan ba talaga ni Sebastian ang taong 'to?

"You're Sebastian's friend, right? Paano mo nasasabi 'yan?" Kumunot ako at nagpakita nang pagkadismaya sa sinabi niya.

"Don't take it the wrong way, Ady. I am only concerned," bawi rin naman niya.

"He loves me and thanks for being concerned, but I knew him," sarcastic kong sabi at 'di na yata mawawala ang pagkadisgusto ko sa kanya.

"Is it his money?"

"What?" Tinitigan ko siya nang masama at parang sarcastic pa siyang ngumiti.

"Sebastian is a rich guy. Very rich. Filthy rich..." he smirked. "He gets what he wants because he has the money. You see, Adison, I could be your benefactor too."

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Sa pagkakataong ito, sigurado na talaga akong hindi ko siya magugustuhan kahit kailan.

"You're an asshole," pigil na sabi ko pa. Gusto ko sana siyang sampalin, pero ayoko namang mag-alala sa akin si Sebastian.

"Look at him," bulong pa niya sa tainga ko. "If you're not here, he maybe hitting on Samantha right now."

Wala ako sa sariling sumunod sa gusto niyang mangyari at agad na tumingin kay Sebastian. He was talking to Samantha. He was even smiling widely. That kind of smile that I only see when he's with me.

"He's not that kind of guy," kunwari ay wala akong pakialam kahit na sa totoo lang ay nakaramdam na agad ako nang selos. Hindi pa rin maalis ang insecurities ko basta't pagdating sa kanya.

"You knew too little about him."

"And so do you, Wayne." Noon na ako kumalas sa hawak niya at nagpaalam. "If you'll excuse me," mabilis na iwas ko pa at iniwan siya sa dance floor. I even heard him chuckled, pero hindi ko na siya nilingon.

I need to trust Sebastian.

I knew I can trust him more than that bastard!

Nagmartsa ako palapit kay Sebastian na hindi man lang naramdaman ang paglapit ko dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Samantha na may pahawak-hawak pa!

This woman! Ugh!

"Baby..." Agad kong ipinulupot ang mga kamay ko sa baywang niya at mabilis na hinalikan siya sa labi.

That's declaring my territory!

And to my surprise ay tinugon naman ni Sebastian ang halik ko and I felt his smile on my lips. Naramdaman ko ang paggapang ng kanyang mga kamay sa aking likod at mas mahigpit pa niya akong ikinulong sa kanyang mga braso kahit pa nasa harapan lang namin si Samantha.

That's my Baby.

Sumimple ako nang tingin kay Samantha na nagdidilim ang mukha.

"Hmm... You missed me already?" tanong pa niya habang hinawi-hawi ang aking buhok.

"I do..." makahulugan pa akong tumingin kay Samantha.

He's mine, bitch!

"Let's go home, Baby. I want to have you all by myself," malambing pang sabi ko sabay mariin kong kinagat ang labi ko.

"I'm yours..." Mabilis pa niya akong hinalikan ulit sa labi.

Hindi ko alam kung sinasakyan lang niya ang trip ko, but he seemed sincere.

"Uhm, Samantha... We need to go. It was really nice seeing you again," nakangiti pang sabi niya d'un sa haliparot, pero mahigpit pa rin niya akong hapit sa baywang.

Good, Sebastian... Good...

"It was nice to see you too, Sebastian," she said with her all so sweet voice and seductive smile. Jeez..."Goodbye, Adison," baling pa niya na parang wala lang. Plastic! Hmp!

"Goodbye, Samantha," mas plastic na paalam ko pa!

Agad na rin akong inalalayan ni Sebastian palabas ng bar na 'yon. Nakakatuwa rin naman ang pagiging over protective niya dahil talaga namang ingat na ingat siyang madagil ako nang kahit na sino. Daig ko pa ang anak ng Presidente sa ginagawa niya.

Agad rin naman naming namataan si Spencer at pumarada sa harapan namin.

Sebastian couldn't get his hands off me. Pinipigilan ko lang siya dahil hindi pa rin ako comfortable na nakikita kami ni Spencer sa ganoong ka-intimate.

"Ang bilis mo namang makipagsayaw?" tanong pa niya habang panay ang masahe sa kamay ko.

"He's an asshole." Hindi ko na rin napigil maibulalas ang inis ko.

"What did he do to you?" Alarma rin siyang kumunot-noo.

"Was he really your friend, Sebastian?"

"He's a business friend. I've never been close to anyone, but him. Can you tell me what's going on?" Natigil siya sa ginagawang pagmamasahe sa kamay ko at mataman akong tinitigan.

"He's hitting on me," sabi ko nang hindi bumibitiw sa titig niya. "A friend would not do that, right?"

"That son of a bitch!" He cursed with gritted teeth. "Don't mind him, Baby. He's really a dick!"

"Sa tingin ko dapat mag-ingat ka sa taong 'yun. I don't trust him."

"I've known Wayne for years. He's not a bad person but yeah, when it comes to woman, he's really an ass."

"I still don't like him," matapat namang sabi ko. "Baka isa siya sa possibleng kumakalaban sa'yo."

"T-that's impossible, Baby..." iiling-iling pa niyang sabi.

"There's no one you can trust out there. Good thing you have me." Banayad ko pang pinisil ang kanyang pisngi.

"Hmm..." Malalim pa siyang napaisip bago muling magsalita. "Okay, Baby. I'll have him investigated, too."

"Good." Sumandal ako sa kanyang balikat at hinawakan ulit niya ang kamay ko.

Mas lalo ko lang naiisip kung gaano kalungkot ang buhay ni Sebastian na walang masyadong tao na mapagkakatiwalaan. Siguro nga ay kapalaran niyang makilala ang tulad ko para maging masaya naman siya.


LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon