Chapter 23.2.2

441K 4.6K 179
                                    

CHAPTER 23.2.2

ADISON

Tutop ko ang aking ulo pagkabangon na pagkabangon. Ang sakit ng ulo ko! Halos ten o' clock na pala at ngayon lang ako tinanghali nang ganito sa higaan.

Sa banyo na rin kaagad ako nagdiretso at naligo. Pakiramdam ko kasi ay nakadikit pa rin sa akin ang usok ng sigarilyo mula sa bar kagabi. Ni hindi ko na nagawang maglinis man lang ng katawan sa sobrang hilo.

Kumusta na kaya si Matt? Lakas din uminom ng taong 'yun! Parang hindi man lang nalasing, e.

Matapos kong maligo ay nagdiretso na rin ako sa kusina para kumain. Mabuti na lang at may stock pa ako ng noodles. Puwede na 'to kesa magluto pa. Wala rin naman sa kundisyon ang katawan ko. Iyon nga lang nang iinom na ako ng gamot para sa sakit ng ulo ay wala na pala akong stock sa medicine cabinet!

Shit... No choice! Lalabas rin pala ako.

Pagbukas ko nang pinto ay nagkagulatan pa kami ni Spencer! What the hell?!

"Ma'am Adison..." bati pa niya habang nagkakamot ng batok.

"Anong ginagawa mo rito?" Kumunot ako sa kanya at agad na napatingin sa paligid. "Kasama mo ba si Sebastian?"

"No, Ma'am, ako lang po. Kukumustahin ko lang naman sana kayo," nakangiwi pang aniya.

"Okay lang po ako. Bibili lang ako ng gamot sa botika," sagot ko naman. "Si Sebastian?" Hindi ko na rin napigil ang magtanong.

"Nasa suite po at nagpapahinga. Natrangkaso po kasi."

Huh? May sakit?

"May sakit si Sebastian? K-kumusta na siya?" Hindi ko na rin naitago ang pag-aalala. Parang sa tinagal-tagal naming magkasama ay ngayon lang siya nagkasakit.

"Do you want an honest answer, Ma'am?" alanganin pang tanong niya.

Tumango lang ako at kinakabahan ako sa kanyang isasagot.

"He's not good. He's been dead worried about you..."

"Alam mo bang kasal siya?" diretsa pang tanong ko at umaasa ako sa diretsong sagot.

Natahimik lang siya sa tanong bago marahang tumango.

"Mas makakabuti po siguro kung bigyan n'yo ng chance si Sir Sebastian na magpaliwanag..." Mapait pa siyang ngumiti. "Mahal na mahal po kayo ni Sir. At sinasabi ko 'to hindi dahil boss ko siya, pero dahil iyon po ang totoo..."

"Binabantayan mo ako, tama?"

Tumango lang ulit siya.

"Sorry po..." mahinang sabi pa niya at bahagya pang napayuko.

"May bibilhin lang ako sa botika... Pagkatapos ay puwede mo ba akong ihatid sa suite niya?"

Agad na nagliwanag ang mukha ni Spencer at sunud sunod ang ginawang pagtango.

"Sige po."

Maybe I should give him a chance to explain everything.

Hindi ko naiwasang mapangiti sa reaksyon ni Spencer. Maswerte si Sebastian sa kanya dahil totoong mapagkakatiwalaan ito.

Hindi naman din ako nagtagal sa botika at agad ring bumalik sa apartment. Matapos kong uminom ng gamot ay nagbihis na rin ako at hinatid na rin naman ako ni Spencer sa penthouse.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit natatakot pa rin akong ewan. Kaya ko bang tanggapin anuman ang ipagtapat ni Sebastian sa akin? What if sobrang complicated pala ng buhay niya?

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon