Chapter 23.1.2

406K 3.9K 141
                                    

CHAPTER 23.1.2

Inspiration Song:  SAY GOODBYE by Katharine McPhee

ADISON

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang malaman ko ang katotohanan sa pagkatao ni Sebastian. He's been trying to call me a lot of times, pero wala akong sinasagot ni isang tawag niya. May mga oras ring nakikita ko siyang naghihintay sa school, pero hindi ko rin siya pinapansin at hindi rin naman niya ako pinipilit. I could see sadness in his eyes, but he hurt me.

I am hurt so badly.

If only he's been honest with me ay wala sanang ganito. At hindi sana ako nasasaktan ngayon.

"Hey..." Si Matt. Vacant time namin at wala naman akong gana magmerienda. "A penny for your thoughts?"

"Jeez..." Tipid akong ngumiti at umiling. As much as I wanted to tell him everything, may parte pa rin sa akin na pumipigil. Ayokong sirain si Sebastian sa mga mata nang kahit na sino. He is after all, the man I love.

"You look pathetic..." Umismid siya habang matamang nakatitig sa akin.

"Am I?" Mapait akong ngumiti.

"How are you holding up?"

"Not good..." Hindi na rin ako nagkaila pa.

"Kung palagi ka lang namang paiiyakin ng lalaking 'yun, bakit mo pa siya pinagtitiyagaan?" nakakunot-noo pang tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko rin magawang sagutin ang kanyang tanong dahil ano nga ba ang tamang sagot? Sa ngayon ay wala akong iniinda kundi ang pamimigat ng aking mga mata. Ang resulta ng ilang araw kong pag-iyak.

"You deserved better, Ady. At hindi ang tulad ni Sebastian ang dapat na seryosohin mo."

Hindi pa rin ako kumibo. There was still a part of me longing for him. I wanted to hear everything from him, pero natatakot ako sa maririnig ko.

"Free ka tonight?" pagbabago ko pa niya nang usapan.

"I'll always be free if you needed me."

Yeah, nakalimutan ko, he cared about me. He loves me.

"Gimik tayo."

"What sort of gimmick do you have in mind?" Taas kilay pa siyang tumitig sa akin.

"Let's drink and dance the night away!" sabi ko pa sa mas masiglang boses. Gusto ko lang din ilayo muna ang utak ko kay Sebastian.

"Deal! You got yourself a date then." Matamis siyang ngumiti bago ginulo ang aking buhok. "Let's go, Adeng. Baka ma-late pa tayo sa klase natin." Inilahad niya ang kanyang kamay at wala ako sa sariling napatitig doon. Sebastian would be so jealous kapag nakita niyang ganito na naman ako kalapit kay Matt. Pero nagsinungaling siya sa akin. Sinaktan niya ako!

"Okay..." Inabot ko ang kamay ko at hawak-kamay kaming pumasok sa aming panghuling klase sa hapon.

Around six o' clock nang matapos ang huling klase namin. At tulad nang inaasahan ay namataan ko na naman si Sebastian na naghihintay kasama sina Spencer at Raul. Obviously, there is something going on para isama pa nila si Raul.

"Adison..." Sinalubong niya ako at nagsusumamo ang hitsura ng kanyang mukha. Jeez, I am mad at him, but I do missed him so much. "Can I have a minute, please?"

"I have company." Noon ko na lang binalingan si Matt na agad naman ding lumagay sa tagiliran ko.

"Hey..." seryoso namang bati ni Matt.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon