Chapter 21.1.3

403K 4.1K 1K
                                    

CHAPTER 21.1.3


BRIANNA

The entire travel home was really a torture for me. I was watching Adison and Sebastian from the back. It broke my heart pretty bad to see them together so insanely in love with each other. Noong una, akala ko ay ayos lang ako, but I was so wrong. I still have the same intense feeling for Sebastian. Nothing has changed over the years.

I love him so much it hurts.

They spent the entire time holding and kissing each other. They are simply inseparable. They were not even aware of my presence...

For the last couple of days ay kasa-kasama ko si Sebastian. But his mind was not on me. Akala ko ay magagawa kong ibaling ulit ang pagtingin niya sa akin kapag naiparamdam ko ulit kung gaano siya kaimportante sa akin.

Pero mali ako.

Dahil nagbago na siya.

May mahal na siyang iba.

The thought that he would never be mine torn me into pieces. I love him, but I lose him. But I just can't sit and watch them.

I want Sebastian back.

I'll do everything I can to win him back.

I want him back.

I need him back.

Nang makarating kami sa Orion Port, tulad nang inaasahan ay may sasakyan na ring sumalubong sa amin papunta sa bahay. Hindi naman kalayuan iyong sa amin sa port kaya't wala pang thirty minutes ay nakarating na kami sa aming munting tahanan.

Everybody is surprised to see me of course. I was never in touched for almost quite a while. Baka nga iniisip rin nilang patay na ako. Tamang nakakatawag-tawag rin ako noon kay Adison, pero madalang pa sa patak ng ulan mangyari 'yun.

Otoki was so possessive of me. He even hurt me physically kapag may tao siyang pinagseselosan. Same goes to the poor guy na magtatangkang lumapit sa akin. I'd been living in hell in our entire years of marriage. I had a miscarriage thrice dahil sa pananakit na ginawa niya sa akin. The last time he hurt me, triggered me to leave completely. In life or death, I did everything to get out. With some help of people from there ay nakatakas ako papunta sa embahada ng Pilipinas. I was able to sent him in jail, but sadly because of connections ay nakalaya siya. That really scared me so I decided na umuwi na ng Pilipinas for good.

Walang nakakaalam sa masalimuot na pinagdaanan ko roon maliban kay Sebastian. I am planning to tell Adison too. I hope that after telling her everything, she'll simply give him up for me.

The family reunion went well, pero walang nabago sa klase nang pamumuhay na mayroon kami. Mahirap pa rin kami. And I know that Sebastian will be an asset for me.

Halos tulog na ang lahat nang maulinagan ko si Adison at Sebastian na nag-uusap sa balkonahe ng bahay. Two storey ang bahay namin na yari naman din sa bato. Sinaunang bahay ito na namana lang namin sa mga Lolo at Lola namin.

Nagkubli ako sa isang parte ng bahay namin na malaya ko silang makikita at maririnig. Gusto kong marinig kung papaano sila mag-usap. Gusto kong makita kung may pag-asa pa ba ako.

"Your family is nice," sabi ni Sebastian. Nakaalalay siya sa baywang ni Adison na nakaupo sa batong pasimano ng balkonahe.

"You have a nice family too," sagot ni Adison na kulang na lang ay sumugat sa puso ko. So, na-meet na ni Adison ang family niya?

"And they like you so much," dugtong pa ni Sebastian habang titig na titig siya kay Ady.

Those stares belongs to me.

"Talaga? I like them too. Super nice kaya nila lalo na ang Nanay mo."

"Because you are nice, Ady, and you made me happy." Hinalikan pa niya nang mabilis sa labi si Ady. I hate to see them that intimate. It would probably kill me kapag nalaman kong may nangyayari na sa kanila.

"Saan nga pala tayo bukas?" pagbabago pa ni Sebastian.

"Beach. Iyon lang naman ang mayroon kami rito." Hinahaplus-haplos ni Ady ang mukha ni Sebastian.

I should be the one doing that and not her!

"Oh, that's nice. I'll get to touch your lovely body again..."

W-what?! Ganoon na sila ka-intimate?

"Siraulo ka talaga!" Kinurot ni Ady sa braso si Sebastian na tumatawa lang.

No, hindi puwede 'to! Sebastian is mine!

"Marinig ka ng mga Nanay papatayin ka n'un!" nakairap pang sabi ni Adison.

"Are you really gonna spend your entire sem break here? Puwede bang akin ka ng one week?"

"You know I can't... Alam mo namang ang tagal-tagal ko ring hindi nakauwi rito, e."

"Mmm... You know how much I missed you terribly?"

"Me too, Sebastian... Pero two weeks na lang naman 'yun. Alam ko mag-stay na rin naman si Ate rito."

Oh no, Ady... I am not living here. Not without Sebastian! No way!

"Really? Thank God! I missed you around me, Baby. I can't sleep without you."

Huh? Nagsasama na sila ni Ady?!

"I can't sleep without you by my side, too. Nasanay na akong naamoy kita sa pagtulog ko."

Oh no! No! No!

"Can you sleep with me tonight? Tulog naman na silang lahat," suhestiyon pa ni Sebastian na halos magpausok sa akin.

Sebastian, no... Please...

"Ano ka ba? Gusto mong patayin tayo ng parents ko. At si Ate, mababaw lang ang tulog n'un. Malalagot tayo, ano ka ba..." Pinisil pa niya ang pisngi ni Sebastian.

"Fine. Baka lang naman makalusot." He chuckled.

He's happy with Adison. He's not happy with me...

"Tulog na tayo okay?"

"Sige na... Kiss ko." Ngumuso si Sebastian at inilapit ang mukha kay Ady.

"Baka may makakita..." nag-aalang sabi pa ni Ady habang nagpapalinga-linga sa paligid.

"Tulog na sila... Come on..."

He was teasing her.

He's enjoying teasing her.

I was in her position before and I wanted to be in that position again.

Sa huli ay wala ring nagawa si Adison. The way Sebastian kissed her, it's breaking me. Kanina pa lang sa sasakyan ay alam kong hinahalikan niya si Adison, pero hindi ko sila makita nang maayos sa front mirror. But now, I could clearly see his reactions. His eyes were tightly closed as he kissed her with all passion.

He really loves her...

I've seen that look with me before.

At ngayon, kay Adison na 'yun? No!

At dahil hindi ko kayang tagalan ang sobrang intimacy nila sa isa't-isa ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at naglakad nang maingay. Just enough to caught their attention and stopped them from kissing!

"Ady, it's late! Tulog na tayo!" inis pang tawag ko na lang.

"Opo, Ate!" Agad pa siyang tumayo mula sa pagkakaupo. "Baby, good night na. Sweet dreams."

"Okay, Baby," sabi naman ni Sebastian. "I hope to see you in my dreams."

Ngumiti lang si Ady sa sinabing iyon ni Sebastian. Gusto kong magwala nang wala sa oras!

Nang lumipad ang tingin sa akin ni Sebastian ay blanko lang ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Hindi na rin naman nagtagal ay lumapit na sa akin si Ady. Hinintay ko talaga siya sa may pinto para hindi na sila humirit ni Sebastian sa paglalampungan!

"Good night, Sebastian..." malambing pang ani ko.

"Good night," tipid namang sagot niya at nagmamadaling pumasok sa nakalaang kwarto para sa kanya. 

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon