Chapter 41: Luggage

467K 5.1K 516
                                    

KATHERINE

Papunta ako ngayon sa bahay namin ni Liam. Kukunin ko na kasi yung mga natirang gamit at damit ko dun. Nandun kasi lahat ng damit ko. Nung umalis kasi ako hindi ko nadala yung mga gamit at damit ko, bumili nalang ako ng mga bago kong damit. Ayoko na kasing bumalik dito sa bahay na to nung mga oras nay un. Ayoko muna kasi makita si Liam nun.

Pero ngayon, pumunta na talaga ako dito dahil alam kong bukas pa yung labas ni Liam sa hospital. Ayoko kasing maabutan nya ko dito. Kailangan ko ding gawin to, ayokong maging madamot. Hindi sapat na dahilan yung mahal ko sya para lang ipag damot sa anak nya yung karapatan na kailangan nya. Makakabuti naman yung gagawin ko. Kahit masakit..

Matagal kong hinintay yung araw na sasabihin nya saking mahal nya din ako. Pero eto na nga, sinabi nya na nga at nararamdaman kong totoo yun. Pero bakit ganun? Kung kalian okay na dapat tsaka may dadating na problema samin? Hindi ba talaga kami pwede maging masaya?

Hindi ko na naman maiwasang umiyak, nakakainis! Lagi nalang ganito! Lagi nalang akong umiiyak ng dahil sakanya. Nakakasawa na, nakakapagod na. Minsan naiisip ko, ang laki ng sinayang ko sa buhay ko. Sana nakinig nalang ako sa mga bilin ng kaibigan ko una palang. Akala ko kasi kahit papano dati saglit lang yung pag hihirap ko sakanya. Pero hindi pala..

Dadating din pala yung oras na susuko ka na.. Naalala ko dati, palagi kong sinasabi sa sarili ko, hindi ako mapapagod. Pero ngayon.. Pagod na pagod na ko. Tama na talaga, hindi talaga kami para sa isa't isa.Yung mga hirap ko, nasayang lang. Pero okay na din naman to eh. Kaysa naman nandun na kami sa punto na masaya na kami, tapos biglang dadating yung problema. Alam kong darating at darating yun. Mas masasaktan lang ako kasi masaya na kami nun tapos mauudlot pa..

Bumalik ako sa wisyo ng napatigil na ko sa tapat ng bahay namin ni Liam. Walang tao. Wala pa sya. Tinabi ko na yung kotse ko at agad na kong bumaba. Namiss ko din dito, ang tagal ko ding hindi pumunta dito. Eto yung bahay kung saan ko pinagsisilbihan si Liam bilang asawa ko..

Naglakad nako papasok sa loob, ganun padin yung bahay. Pero hindi maayos, magulo. Halatang hindi nakakapag linis si Liam dito. Wala naman kasi syang alam pag dating sa gawaing bahay.. Bigla naman akong nalungkot.. Nakakakain ba to ng maayos nung wala ako? Nakakapag luto ba to ng sarili nyang pagkain? Kasi alam ko kahit itlog lang lutuin nya, sunog padin.

Naimagine ko tuloy si Liam na nagluluto. Isang lalaking masungit, moody at babaero nagluluto? Natawa naman ako sa naisip ko. Naglakad naman ako papunta sa kusina at tama nga ako. Sunog na kawali ang nakita ko. Umakyat naman ako sa kwarto naming dalawa na medyo magulo din. Hindi kasi nakatupi yung mga kumot at kung saan saan lang nakalagay yung unan.

Napaupo nalang ako sa kama namin. Bigla naman akong napaluha sa nakita ko.. Yung wedding picture namin. Nasa frame.. Sa table tabi ng kama namin. Dati gusto kong ilagay dyan yung picture naming pero naiinis sya, tas ngayon nandyan na. Nilagay nya na.. Bakit ba ko pinapahirapan ni Liam?

Mas okay na siguro sakin yung hindi nya nalang ako mahal, kasi sa mga pinapakita nya at ginagawa nya nahihirapan ako. Nahihirapan akong bitawan sya.. Tumayo na ko at pinunasan yung mga luha ko. Pumunta nako sa cabinet ko at nagsimula na kong kumuha ng mga damit ko.

Hindi ako makapaniwalang gagawin ko to. Pero kailangan talaga.. Kailangan ko ding mag simula ng bagong buhay. Kailangan ko ng mag move on, pagod na ko. Gusto ko ng maging masaya..

Mabilis ko namang nakuha agad yung mga damit ko.. Nag ayos na ko, kailangan ko nadin kasing umalis, may shoot din kasi ako bukas. Para nga akong pupunta ng ibang bansa sa itsura ko ngayon, dalawang maleta dala ko ngayon. Msyado din kasing marami yung damit. Talagang kinuha ko na yung lahat kasi alam kong hindi nadin ako makakabalik dito.

Bumaba na ko ng kwarto at nilapag ko muna yung maleta ko sa isang tabi. Hindi ko alam pero naglakad ako papuntang kusina at nilinis ko yung mga duming ginawa ni Liam. Yung mga kawaling nasunog nya at yung mga ibang gulay na nasayang nya. Mga mga boxes din ng mga pinadeliver nyang pag kain dito. Siguro nung wala ako dahil nga sa hindi sya marunong mag luto nagpadeliver nalang sya. Kawawa naman si Liam..

Pag tapos kong linisin yung mga kalat nya kinuha ko na yung maleta ko at akmang aalis na ng may marinig akong kotse na tumigil sa labas.. Shit! S-sino yun? Tinignan ko naman sa bintana kung kaninong kotse yung nasa labas. Isang pulang kotse yung nakaparada sa labas. Bigla naman akong nataranta. Sino yuun? Hindi naman si Liam yun kasi di naman yan yung kotse nya.. at diba nga nabangga kotse nya.

Mas lalo naman akong nataranta nung nakita kong lumabas si Liam sa kotse. Shit! Hindi ko alam kung saan ko mag tatago. Dapat ba kong mag tago? Oo! Agad kong hinila yung maleta ko at pinasok ko yun sa loob ng cr sa baba. Akala ko ba bukas pa yung labas nya?! Dapat kasi di ko nalang din nilinis yung mga kalat nya mas mahahalata nyang may pumunta dito. Ugh ang tanga ko talaga!

Sobrang nataranta ako nung narinig kong bumukas yung gate sa labas. San ako pupunta? Hindi ko alam kung saan ako mag tatago. Pumasok nalang din ako sa loob ng cr. Narinig kong bumukas yung pinto sa labas. Kinakabahan ako.

Sana hindi nya mahalata na nakaayos na yung mga gamit sa kusina. Bigla ko namang naalala.. Yung kotse ko! Napapalo nalang ako sa nook o. Kahit kailan talaga Katherine.. ugh!

Narinig ko yung mga hakbang nya sa hagdan, malamang umakyat sya sa kwarto. Narinig ko din yung pag bukas nya sa pinto. Tahimik kasi kaya naririnig ko. Mga ilang sandali wala nadin akong narinig na ingay, baka nandun na sya sa kwarto at humiga nalang. Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng cr at dahan dahan kong binuhat yung dala kong mga maleta. Ang bigat! Hindi naman kasi to de buhat eh, de hila to.

Nagulat ako ng may narinig ko syang mag salita.. "Kath.."

Parang nanigas ako sa narinig ko, at ayun sya.. Nasa likuran ko. Naramdaman kong niyakap nya ko mula sa likuran. "Kath.." Pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko.

"Talaga bang iiwan mo na ko?" Malungkot na tanong nya, hindi ako makagalaw.. Hindi din ako makapag salita. Feeling ko naubusan ako ng hininga.. "I'm so sorry.. I'm sorry Kath, please.. gagawin ko lahat wag mo lang akong iwan.."

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko at naiyak na ko sa mga sinabi nya. "I'm sorry.. sa mga nagawa ko, sa lahat ng kasalanan ko. Kath, mag sisimula ulit tayo.." Tinanggal ko yung pag kakayakap nya sakin.

"Liam.. H-hindi na pwede.." Basag boses na sabi ko sakanya.

"B-bakit? B-bawi naman ako ah, maayos pa naman natin to.. Bakit ba hindi na pwede?" Ang sakit, ang sakit.. yung nakita ko syang umiiyak sa harapan ko. Sa mga sinabi nya, alam kong hindi nya pa alam ang tungkol sa anak nya.

"I'm sorry.." Sabi ko sakanya at tumalikod na, hinila ko na din yung maletang dala ko. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan yung braso ko at binuhat nya ko.

"Liam! Ibaba mo ko!!!" Sigaw ko sakanya at nag pupumiglas ako pero parang hindi man lang sya nasasaktan. Ngayon nya lang ako binuhat ng ganito, parang bagong kasal.

Napansin ko nalang na nandito na kami sa kwarto ng bigla nyang sinarado yung pinto.. Dahan dahan nya kong hiniga sa kama. I propped myself on the bed trying to get up but he immediately pinned me down.. "Liam.."

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin at hindi ako nagpumiglas nung pinigilan nya kong tumayo. Shit! What the hell is happening to me? Nagulat ako ng bigla nya kong hinalikan.. bakit ba ganito yung nararamdaman ko. "I missed you so much, Kath.."


Author's Note:

Next Chapter (PRIVATE CHAPTER)

Followers lang makakakita. Why private? Ayaw ko lang marestricted ulit yung story ko. Narestricted na kasi to dati, that's why I need to private the next chapter. Don't worry isang chapter lang naman. Pwede niyo na akong i-unfollow pag nabasa niyo na yung private chapter.

Pano mabasa ang next chapter? Follow me. Pag ka follow niyo, remove and add niyo ulit sa library at lalabas na yung Chapter 42 nun. Enjoy reading!

Join our facebook group! (Gingerbreads)

https://www.facebook.com/groups/1410006009323013/

#MarriedToAWomanizer
#MTAW
#MarriedToAWomanizerWP
#gingerbread9

On twitter @jamaxne

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon