MALDITA 5

1.1M 27.2K 4.1K
                                    

MALDITA 5

Isang oras na ang nakakalipas pero hanggang ngayon wala pa ding Witch ang nagpupunta dito sa graden. I hate waiting, kaya lalong umiinit ang ulo ko sa ginagawa nyang pagpapahintay sa amin. Sya na lang ang kulang, ang mga katulong ko ay nandito na din sa may garden suot ang mga ordinaryo nilang damit na sa sobrang ordinaryo ay hindi ko maaatim na suotin. Hindi kakayanin ng sensitibo kong balat ang mumurahing tela na ginamit sa mga damit nila.

"I thought we're going to have fun. Waiting is not fun." Bored na sabi ni Aira.

"Yeah, I'm started to get bored na din." Pagsang-ayon ni Frances.

"Ano na?" tanong sakin ni Dhonna.

Lalo pang dumagdag ang inis ko dahil sa pagiging mainipin nila. Kaya binalingan ko ng inis si Daldalita. Pasensya sya, sya lang ang kilala ko sa mga katulong ko.

"Hoy, silipin mo nga si Miranda sa loob kung buhay pa at sabihin mo sa kanya na bilisan nya, naiinip na kami. Kung patay na sya...buhayin mo, sabihin mo hindi pa sya pwedeng mamatay dahil hindi pa 'ko tapos pahirapan sya." Utos ko. Agad naman syang pumasok sa loob para tignan si Miranda.

Maya-maya lang ay dumating na din sa wakas si Miranda. Nakasimangot sya habang naglalakad at may dalang pagkain. Noong nailapag nya ang dalawang plato sa lamesa ay agad ko syang sinita.

"What's with your face? Hindi ko akalaing may ipapangit ka pa pala."

Nagpipigil ng tawa ang mga nakapaligid sa amin habang sya naman ay pulang pula na sa galit.

"Napakasama talaga ng ugali mo! Napaka walang modo, walang respeto, napaka walang hiya!" Sermon nya sa akin habang dinuduro ako.Tinabig ko ang kamay nya.

"Alam mo nakakabobo kang kausap, paulit-ulit ka na lang. Pwede ba hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin na masama ang ugali ko, dahil hindi ko 'yon nakakalimutang pairalin lalo na sa mga taong katulad mo."

"Hindi ka na nakakatuwa."

"Hindi din ako natutuwa sa'yo. Pero sa itsura mo, tawang-tawa ako. Ano pang hinihintay mo? Pag-ganda mo? Hindi na 'yon dadating, umalis ka na sa harapan ko." Mataray kong utos sa kanya at umalis na sya.

Nagpatuloy lang si Witch sa pagsisilbi sa amin. Napansin kong napapagod na din sya sa ginagawa nyang pagluluto at paglabas pasok sa kusina. Tumatagaktak na kasi ang pawis nya at basta na lang nyang itinali ang mahaba nyang buhok.

"She looks tired na." Puna ni Frances.

"Dapat lang sa kanya 'yan."

"Hindi ba it's too much?"

Hindi na nakakapagtaka na may halong pag-aalala ang boses ni Frances. Lumaki sya sa pamilya ng mga doctor at maging sya ay hindi nakaligtas at pinakuha ng kursong optometry kahit gustong-gusto nyang maging fashion designer.

"Sa mga ginawa nya sa akin, kulang pa 'yan. Hindi pa nga pwedeng downpayment yan eh."

Hindi pa sapat yan. Ilang oras pa lang syang naghihirap, samantalang dalawang taon nya akong pinahirapan. Nag-uumpisa pa lang akong maningil. Natutuwa akong makitang nahihirapan sya.

"Ayan na lahat." Sabi ni Miranda noong nilapag ang huling pagkain na niluto nya.

"Good. Let's go girls."

"Where are we going? Aren't we going to have dinner?" Maarteng tanong ni Frances.

"Yeah, nandito na 'yong pagkain. Dinner time na din." Pagsang-ayon ni Dhonna.

"I know. Ayoko na ng ambiance dito sa garden, kaya sa rooftop tayo magdi-dinner." Nakangiti kong sabi.

"What about the food?" Tanong ni Aira.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon