Previous Page of 2Next Page

A Chance

spinner.gif

Mandy: Thanks...

...

Palapit na ng palapit yung competition. 2 weeks na lang yata. Halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Kaba, excitement, takot, saya, kung anu-ano pa! Iba pala yung feeling noh? Akala ko madali lang yung mga ganito, hindi pala. Mahirap kasi sa'yo nakasalalay yung pangalan ng school niyo. Masaya kasi isa ako sa magrerepresent ng school. Ang gulo ng feelings ko. Ang alam ko lang ngayon ay kaya ko 'to at gagawin ko ang lahat para manalo. Hah! Ako yata si Amanda Candelette Gonzales Jimenez na hindi umaatras sa kahit anong laban! Tama! Kaya mo 'yan Mandy.

 

 

 

Nandito ako sa pool area ng school. Saturday ngayon kaya walang klase. Pwede naman gumamit ng pool dito kung may permit. Buti na lang pinayagan ako ni couch na mag practice ngayon. Kanina pa nga ako dito eh. Hindi ko na pinasama si Zeke. Abala pa 'yun sa kanya. Tsaka masyado ng maraming nagawa 'yun para sa'kin. Lagi na nga siyang late nakakauwi pag may practice kami eh. Hindi ko talaga alam kung pa'no siya pasasalamatan. Sobrang dami niya ng naibigay sa'kin. Ano kayang pwede kong gawin para naman makabawi ako sa kanya?

 

 

 

Freestyle dito, freestyle dun. Perfect na! Backstroke dito, backstroke dun. Pwede na rin! 'Yan, paulit-ulit ko lang ginagawa yung mga tinuro ni couch. Nakakapagod man, pilit ko pa rin ginagawa.

 

 

 

"Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa diyan ah." Ay kalabaw kang pinaglihi sa kabayong may lahing aso!! Ano ba?! Bigla naman nanggugulat!

 

 

 

"Grabe ha! Ayaw mo naman akong patayin ng maaga?!" Sabi ko sa kanya with a sarcastic tone. Nakakagulat naman kasi. Muntik pa akong malaglag sa pool. Kakaahon ko pa naman.

 

 

"Sorry naman. Di ko sinasadya. O, kumain ka muna. Kanina ka pa nandito eh. Alam kong hindi ka pa nag s-snack." Ngumiti siya tapos inabot yung plastic sa'kin. May lamang dalawang sandwich at isang bote ng tubig. Kanina pa? So ibig sabihin kanina pa siya dito?!

 

 

 

"Kanina ka pa dito?"

 

 

 

"Oo eh. Napadaan kasi ako dito kanina. Napansin ko lang na may splash ng tubig kaya tinignan ko kung may tao. Nadatnan naman kita dito kaya pinanood muna kita." At ngumiti pa si Loko. Nakakapagtaka kung sino yung kinakausap ko noh? Well, hulaan niyo. Isa lang naman siya sa FV. Sino pa nga bang pinakamabait sa kanila?

 

 


"Naninilip ka noh?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha yang tanong na 'yan. Nakakaloka lang. Secret lang natin 'to ha? Alam niyo bang crush ko si Chino? Dahil lang sa literal na bagay. Syempre isa na dun yung gwapo siya. At second, mabait. SUPER!

 

 


"Ha? HIndi ah! Ang dumi naman ng isip mo!" Bakit kasi yun pa yung tinanong ko? Kahiya naman. Nakaka-turn off talaga ugali ko. Kainis! Bakit kasi ang daldal ko?!

 

 

"O-okay. Salamat sa pagkain." Grabe! Nakakahiya ako. Tango na lang ang sagot niya. Ako naman, dahil na rin sa gutom na ako at pagod, kumain na ako. Inalok ko siyang kumain pero sabi niya, kumain na raw siya.

 

 


"Ano pa lang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakakabingi kasi yung katahimikan eh. Sa anim sa FV, siya yung pinaka tahimik. Nakakapagtaka nga kasi ang iingay naman ng kabanda niya. At nagtataka rin ako, bakit Four Voice? Eh di ba anim sila? Weird.

 

 

 

"Ah-ano kasi... M-may binalikan lang ako." Ah.. kaya pala. Tumango-tango na lang ako. Hmm... Sarap ng sandwich. Parang ayaw ko pang ubusin. Gusto ko pang namnamin yung lasa.

 

 

"Ikaw gumawa nito?"

 

 


"Oo--Hindi! Ano, binili ko lang yan sa canteen." Oh-kay? He's weird. Medyo magulo siyang kausap. Halata naman di ba? 'okay' na lang yung nasagot ko. Ang hirap naman ng ganito. May kasama nga ako, hindi naman kami naguusap.

 

 

"Hindi ka pa ba uuwi? Kanina ka pa dito ah. Nakuha mo na ba yung dapat mong balikan?" Kanina ko pa tapos yung sandwich. Nagpahinga lang muna ako sandali. Siguro mga 30 minutes rin. Kanina pa nga si Chino dito, hindi naman kami naguusap. Nakatingin lang ako kung saan man. Siya din ganun.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Heina Gonzalesas Jaycee Gonzales
Aliyah De Leonas Pat Nicolas
Sheila de Sagunas Maxxine Benavitez
Rayne Marianoas Carina Villaflor

Recommended

Do you like me or do you like me?Stealing The Heart of My Gay Professor (SLOW UPDATE)EXO AcademyGroup Lover - SNSD & SuperJunior