Saan ba ako nagkamali?
May mali ba saakin?
Mas maganda ba siya saakin?
Nakakasawa ba ako?
Baka nasobrahan ako sa pagmamahal?
Ilang beses ko tinanong ang sarili ko nun, ngayon siguro pinalipas ko nalang... Hindi ko parin alam ang tunay na dahilan.
----
Ako? Hindi ko to sisimulan ng tulad ng ibang storya na sisimulan ang pag papakilala sa sarili. Sisimulan ko'to ng pagpapakilala sakaniya.
Si Gary. (natatawa ako xD) Isang lalaking tahimik lang, mabait at sobrang mapagmahal. Yu'n nga ata ang dahilan bakit minahal ko siya ng sobra. Pinangako saakin ni Gary na mamahalin niya ako ng tapat, na ako lang at wala ng iba. Habang tumatagal kame mas lalo ko pa siyang minamahal. Si Gary kase ang pinaka outspoken na taong nakilala ko, ang lambeng at talagang ang sarap pakinggan ng mga salitang binibitawan niya. Dun ko naramdaman ang kahalagahan ko, pakiramdam ko sobrang espesyal ko... Kung sabihin niya kaseng mahal na mahal niya ako at di niya ako kayang bitawan ay parang ako lang ang nag iisang babae sa mundo.
"Hindi kita kayang mawala saakin Sandra, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."
Gusto kong umiyak nung unang beses kong narinig yun. Gusto kong ipag malaki sa buong mundo na, "OH TIGNAN NIYO OH! MAY TAONG HINDI MABUBUHAY NG WALA AKO." sobrang minahal ko si Gary, kilala pa nga siya ng nanay ko ee, legal kame.
Legal kame! Legal na legal kame. Pero ano ngyari? :(
Gary asaan kana? Unang araw ng iyak ko. Gary kailangan kita, nagkulang ba ako sa paalala kung gano kita kailangan sa buhay ko? Gary mahal kita, mahal na mahal.
Yung feeling na gusto mong lumaban. Yung gusto mong magkaroon ng pagpipilian pero isa lang naman ang pede mong gawin. Isuko mo na ako Sandra. Parang yaan kase ang ibinubulong niya saakin.
Gusto kong magalit sakaniya, kase hindi ko talaga maintindihan ang lahat, pero mas gusto ko siyang makuha ulit. Gary, ano ba talga ang dahilan? :(
October 21 nagsimula ang lahat. Hindi naman niya ako nakuha agad. Sabi niya saakin nung araw na yun, "Sandra salamat! Salamat pinag bigyan mo ako! hindi mo alam gaano ako kasaya ngaun. Ito ang pinaka masayang araw ng buhay ko" sa text niya lang yaan sinabi, hindi ko alam kung tumatalon siya sa saya ng tinetext niya yaan pero parang nadama ko nga ang saya na meron siya nung sinabi niya iyan saakin. Tinadtad niya ako ng text na mahal na mahal niya ako, at siyempre natuwa naman si gaga, pulang pula na sa kileg kakabasa.
"ILOVEYOU SANDRA MAE!" ang laki ng ngiti ko. Pareho kameng sobrang saya.
( Yung araw na yun gary, kung alam mo lang... gusto ko sanang ibalik T.T )
Darating na ang pasko, pero nobyembre palang siyempre. Naatat ata si Gary sa regalo ko sakanya sa pasko. Sabi ko kase reregaluhan ko siya, di ko naman sinabing ngayong nobyembre kaagad. Ano yun? Halloween gift? Pero nakakatuwa padin kung gaano siya kadesperadong mayakap ako nun.
Dumating yung araw na ireregalo ko na sakanya ang gusto niya. Paano atat kase, kung di ko lang mahal yun ee. Onti onti siyang lumapit saakin, onti onti kong naramdaman ang init ng kaniyang bisig. Mas malaki si Gary saakin, kaya tila ako'y nakasandal sa kaniyang dibdib. Lumipat ang init ng katawan niya sa katawan ko, lumipat na ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal.
Alam kong mahal na mahal niya ako nun T.T, Gary alam kong mahal mo ako...dati.
Masayang dumating ang pasko saaming dalawa, masayang lumipas ang mga araw, at lalong masayang dumating ang bagong taon saakin. Kasama ko si Gary sa gabing yoon, kasamang nakikinig ng maiingay na mga paputok at pinapanuod ang mga ngiti ng taong nakapaligid saamin. Sana alam ni Gary gaano ako kasaya sa bawat sandaling iyon.
Minahal at minahal ko pa si Gary.
Isang araw sa pangalawang pagkakataon na yinakap niya ako... Nag uusap kame ng seryoso, at biniro niya ako sa pinaka-masakit na salitang maririnig ng isang babae. Alam kong nagbibiro siya nuon, pero nasasaktan din ako. Napuno ng luha ang aking mata, sinubukan ko pa nga itong pigilan, ngunit umagos na ito sa aking mga pisngi at namula na sa kakaiyak sa sakit ang buo kong muka. Yinakap niya ako ng mahigpit at mediyo tinatawanan pa ako, pakiramdam ko nun isa akong batang pinapatahan nia sa pang aasar.
"Sandra tama na... Biro lang yun" Habang hinihimas niya ang aking likuran.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists