Bakit Masarap maging Batang Kalye noong 90's

spinner.gif

Masasabi kong medyo swerte ako. Kasi 1990 kid ako eh. Halfway ng modern at mga sinaunang laro ang mga naabutan ko. Tulad ng “Langit-Lupa”, “Base to Base”, “Patintero” at marami pang iba. 

Malalaman mo na batang kalye ka kapag alam mong kantahin to: “Kapal ng mukha, di na nahiya. Dapat sayo pasabugin ang mukha. Ulo ulo lang, di kasama katawan. Pag kasama katawan, sabog pati laman. Ibong tiririt mayang.. pambansang walis..tingting. Tawas na durog para kay ______, may putok, ikaw yun.”

Ang sarap alalahanin ang paglalaro ng Ice, Ice, Water kung saan kapag nahawakan ka ng taya, hihinto ka, at kapag nahawakan ka ng kapwa mo manlalaro at sinabing Water, doon ka pa lang pwedeng gumalaw. Kapag na-“ICE” kayong lahat, isisigaw niyo ang GENERIC word na nagsasabing tapos na ang lahat: “VIVA!” sabay upo at taas ng kamay na naka-PEACE sign, ang huling makaupo, siya yung taya. Naaalala ko rin yung paglalaro ng mga lalaki ng tanching ng mga flat na patong hugis superhero at paglalaro ng mga babae ng paper doll. Nasan na kaya ang mga jolens? yoyo?  

Naaalala ko rin nung bata ako, halos buong maghapon ako nasa kalye (kapag walang pasok) Aalis ako sa bahay namin ng may hawak ng kalahating dangkal na teks ng Dragon Ball o Ghost Fighter at uuwi akong may laman na ang bandang ibabang bahagi ng damit kong maluwang. Punung puno ng teks. Nanalo ako! Tapos sasabihin ng mga magulang ko, “Oh! Ilaga na natin yan!” 

Hay! Nakakamiss talagang maging bata. May naalala pa ako. Naaalala ko yung pagbibilang ko ng teks! “Isang Babae..” bawal nang ituloy. haha. May taya pang sampu sa tigagalawa. Bet na lahat pati pato’t pamanggulo. Ubusang lahi. Pabakas. Kapag may butal ang tawag dun ay “cha”. 

Ang sarap din maglaro ng tumbang preso, kutserokutsero, bente-uno, taguan at kung anu-ano pa.

May mga laro ding more on kanta. Bahay Kubo, na may iba’t ibang variations pa ng paggalaw ng kamay. Meron ding mga larong pakanta lang, tulad ng “I wanna be a tutubi na walang.. tinatagong bato.. na nahulog sa lupa.. tinuka ng manok.. na nanggaling sa bundok.” Meron ding mga larong kalyeng kailangan ng matinding honesty at pakiramdam: “Pass the Message” na hindi mo mamamalayang tapos na pala ang laro. 

May mga nausong kanta din nung bata ako, yung “Sarah sarah prinsesa.. Lavinia Lavinia inggetera, Loti Loti iyakin, Emengard Emengard Sumbungin, Miss Amelia, Maawa ka, Miss Minchin, mukhang pera!” “Eugene, Taguro, Jeremiah Jericho, Lupin The Third Minahal si Fujiko”

May mga naging sikat na kanta din na sinasabayan natin mula sa mga palabas sa TV. “Aking Ina mahal kong ina, pagmamahal mo, aking ina.” “Heidi, Heidi, anak pawis ka ng kabundukan” “Ako si Blink sa bawat oras naririyan, tutulong sa nangangailangan.” “Sina B1 at B2 laging magkasama..”

Proud to be Pinoy din tayo. May mga sumikat na kanta mula sa mga palabas sa TV na gawa ng mga Pinoy. “Hirayamanawari, Hirayamanawari, mga pangarap natin, ating abutin, ang kapangyariha’y nasa puso natin, Hirayamanawari, ating abutin.” “Bayahani.. Bayahani.. Bayani!” “Eksperimento 2x, tuklasin kung anong mangyayari dito.”

Hay! Nakakamiss. Kawawa naman ang mga kabataan ngayon. Hindi na nakakalabas. Sina PSP, PS3, Wii, Internet at si Computer na lang ang mga nagiging kaibigan. Sana, maranasan rin nila yung mga naranasan ko. Sana maging batang kalye din sila. Para masaya!

  -Marcelo Santos III (vote this, retweet, like, share, comment, lahat na gawin niyo! haha)

tumbr: www.marcelosantosiii.tumblr.com

twitter: www.twitter.com/akoposimarcelo

facebook: www.facebook.com/akosimarcelosantosiii

Comments & Reviews (758)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended