Kabanata 44

1.1M 31.7K 27.5K
                                    

MERRY CHRISTMAS!

-------------------------------

Kabanata 44

Worth It

Diretso ang lakad ko papuntang CR. Ni hindi ako lumingon pagkatapos ng titigan namin ni Hector. Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatingin sa salamin.

Parang may kung anong kumikiliti doon. Parang may hollow space na nilulukot. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Bahala na nga! It's just Hector! The man I hate so much...

Mabilis kong binuksan ang pintuan para makalabas sa CR. Nakita kong nasa kabilang table si Hector kasama ang mga lalaking kaibigan. Nagtatawanan sila pero si Hector ay tulala at nakahalukipkip. Nagulat ako nang tumango si Oliver sa akin! Nandito din pala si Oliver!

Bahagya ko siyang tinanguan pero hindi nagtagal ay bumaling ako kina Desiree na ngayon ay mahinang naghahalakhakan.

"Ang gwapo niya talaga." Bulong ng di nagpapahalatang si Tara.

"Chesca..." Hinila ako ni Desiree.

"Hmm?"

"Alam mo ba yung tumulong sayo sa pag tayo? Yun yung transferee student galing probinsya. SOBRANG SUPLADO PERO ANG GWAPO." Aniya.

Yeah right! Alam kong ganyan siya.

"Suplado siya nung una, pero kalaunan hindi na..." Sabi ni Tara. "Nakausap ko siya, e." Kinilig pa siya nang sinabi niya yun.

"Ano ba kayo. Wa'g kayong pahalata!" Utas ni Janine.

Nakuha ni Janine ang buong atensyon ko kahit na si Hector naman talaga ang pinag uusapan namin. Tinitigan ko siya. Nakita ko naman ang pag urong ng titig niya. Nag iwas siya ng tingin at namutla ulit.

Tinaas ko ang kilay ko at bumaling sa nagsasalitang si Desiree.

"Hector Dela Merced. Ang hot ng pangalan!" Kinilig siya habang sinasabi niya yun.

"Hector... parang porn star." Panira ko.

Ngumiwi si Tara at Desiree. "Di noh! Ikaw talaga!" Saway nila sakin.

Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang paninitig na ginawa ni Hector sa akin. Kahit na ganun ay panay na lang ang ngisi ko kina Desiree. Habang nag kukwentuhan kami ay aliw na aliw ako sa paninitig ni Hector. Magdusa ka diyan. Sa oras na kausapin mo ako, masusuntok talaga kita. Nanggigigil na ang buong sistema ko.

"See! I knew it! She's here!" Narinig ko ang boses ni Kira.

Dumating siya kasama ang iilang kaibigan kong modelo din noon. Matatangkad, gwapo, makikisig na dala ni Kira.

"Chesca! I missed you!" Bati ni RJ sabay patayo sakin at yakap.

Tumayo na rin sina Desiree, Tara, at Janine. Nakipag beso din ang bruha sa ibang kasama naming models noon. Mabenta talaga si Janine sa mga male models dahil single siya. Pero hindi ko alam bakit single parin siya gayung marami naman kaming kaibigang nag ga-gwapuhan at single din. Iyon naman pala... nakatali ang gusto niya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon