Chapter 1 *Si john*

97 2 1
                                    

Hi! ako po si John. Matangkad ako, pogi, mabait at matalino na estudyante ng FSUU. Isa akong anak ng dating milyonaryo sa bansang ito pero namatay ang ama ko kaya namana ko ang lahat ng gamit at pera niya. Ang nanay ko ay isang mabuti at magaling na Lawyer pero namatay siya sa gutom dahil sa kanyang grabe na lungkot dahil namatay na ang pinakamahal niya sa buhay kaya unting unting pumayat siya at namatay. Ang lungkot talaga ng buhay kapag walang magulang!!! pero nandyan naman si Hovis ang na-hire na butler ng mga magulang ko. Noon pa na wala ako sa mundo, nagtatrabaho na si Hovis sa pamilya ko. Para na siyang ina't ama ko... pero binabayaran ko lang. :))

Haaahaayy.. Febuary 11 na... pareho lang naman ang ginagawa.

Palapit ng palapit ang Valentines... :(

Parang ako lang yata sa buong barkada ko ang walang ka date sa valentines eh. 

Ang lungkot naman kung walang ka date sa Valentines pero nandyan naman si Hovis, ang mother and father like ko na butler na binabayaran ko pa rin. :))

*natatapos na ang clase (Bell rings)*

Tapos na ang klase namin ngayon kaya uuwi nalang ako.

Pag dumating na ako sa bahay matutulog nalang ako para mawala ang problema ko sa lovelife :/

Hahaaay lagi nalang ganito...

Nang pauwi na ako nakasalubong ako ng isang classmate ko na pa "Gangster" ang tema nya.

Siya si Daniel pero tawag namin sa kanya ay "Bacus" dahil sa kanyang pa "Gangster".

Mahal ng lahat ng kaklase ko si Daniel kahit pa "Gangster" yung trip niya at marami ring mga 

admirers si Bacus... Chick boy kasi eh :)) Sure na may date siya sa valentines :>

 Sabi ni Bacus "Oi John! Parang malungkot ka ahh. Laro nalang tayo ng DOTA! May mga kasama akong mga kasing galing mo! ano? Sali ka?! :)

Nagdadalawang isip ako pero sinsasabi ng utak ko na sa laro nalang ilabas ang problema ko.

Sige Bacus! Laro nga tayo! 

 *nakaabot kami sa Internet Cafe at sabay nang nagbayad at agad nag laro*

Naglalaro na kami ng DOTA at ginagamit ko yung favorite hero/character ko.

Totoo nga ang sinasabi nila na "DOTA... It's more fun in the phillipines" :))

Natapos rin ang laro! Yes!!! nanalo kami sa laro! pero masyado akong malunkot dahil lagi akong namamatay kapag si "Shadow_001" yung kalaban ko. Ang galing niya pero nakakainis rin... Ang sarap Suntukan! patay na patay yun saakin!

Oi! pareng Bacus... Sino ba to si Shadow_001?! Saan ba siya nakaupo?! Naiinis ako eh! Masyadong Sineseryoso niya ang paglaro niya! Nakakainis!!

Ahh Shadow_001? nakaupo yan sa computer number 13. Smakikita yun sa banda sa dulo ng Computeran

Sige pare salamat ah.

Habang papunta doon sa Computer number 13 ang nakalagay sa utak ko ay "UUPAKAN KO TALAGA ANG LALAKING YON!"

Nakaabot ko na rin ang computer number 13 at nakakita ako ng taong naka hoodie 

Agad kong sinabi na "Hoy Lalaki Ba't ako ang lagi mong pinag trip mo sa laro ah?!!!"

Ha? anong lalaki? *sinabi sabay pagbaba sa hoodie niya*

Ayy sorry tol wrong person ha :>

ahh... Ok.

Pabalik na ako sa upuan ko. Nakakainis babae pala ung magaling na player! pero parang nawala ang kainisan ko yung nakita ko ang kanyang... Magandang mata :) Magandang Smile :) Magandang Buhok... Lahat sa kanya ay maganda! Nakaka-inlove Talaga! 

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon