Tears

839K 13.2K 5.1K
                                    

Jd's POV

Pasensya naman kung napatagal ang tulog ko ah ..

"Iko Elo! Don't run!" habol ko sa kanila habang karga si Miyu.

"Tay dun tayo!" turo nila sa mataas na rides.

"You're not allowed .." hinawakan ko si Elo sa kamay nya. "Elo hawakan mo kuya mo .." sabi ko.

Hinawakan nya si Iko sa braso. "Pag nawala ka, mawawala ka talaga." sabi ni Elo.

"Tss .. ang KJ mo tay!" sunod na lang ni Iko samin.

"Oh jan tayo!" turo ko sa carousel. "Gusto mo jan Baby? tanong ko kay Miyu na karga ko.

"Yeh!" pumapalakpak pa na sabinya. "Pila boys .." pinapila ko sila at si Asha muna.

"That's fun!" sabi ni Mayu na kinangiti namin.

Nang makasakay kami sa carousel ay dun kami sa upuan, sila Iko at Elo sa horse. Kinukuhanan ko sila ng litrato habang nakasakay. Nakikita ko naman na nag eenjoy sila.

Sunod naming sinakyan ay ang train na pambata, nagtry din sila Iko at Elo dun sa laser, tapos naglaro din kaming tatlo ng bump car.

Habang kumakain kami ay nangulit yung dalawa na sumakay sa mga rides.

"Pagbalik natin dito, pwede na kayo, para pati sila Mayu at Miyu pwede na din ha?" paliwanag ko.

"Yehey! Kami nila Mayu at Miyu sasakay dun!" turo nila sa ferris wheel.

"Yes, palalakihin muna natin sila .."

"Yay! Mayu dun tayo sasakay!" turo ni Elo sa ferris wheel.

Para namang nakakaintindi sila Mayu at Miyu dahil tumatawa pa sila habang kinakausap ng mga kuya nila.

"Fun!"

"Hihi.."

Nagpatuloy kami sa paglibot ng EK, nag enjoy sila Miyu at Mayu sa paghuli ng mga laruang isda sa tubig, with the help of their Kuya.

We took a lot of picture, cherish all the moments, captured each sweetest smile, and had a lot of fun.

"Jd, hindi ito yung way pauwi ah? San pa tayo pupunta?" tanong ni Asha sakin.

"Nagrent ako ng hotspring babe, ano may energy pa ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Yeeees!" nangungunang sigaw ni Mayu.

Di naman kami nagkulang ni Asha sa pagmomonitor ng condition ni Mayu, we'll always check her temperature, hindi naman sya nag seizure simula ng umalis kami, hindi pa din naaalis sa isip ko ang Marijuana na posibleng magsagip ng buhay ni Mayu, alam kong di na ako papayagan ni Asha, but still I want to try, but this time, i will make a right move, hihingi ako ng connection sa mga Doctor, plano ko ding mangibang bansa para mas mapabilis ang gamutan ni Mayu.

"Awesome .."

"Gorgeous!"

"Pretty!"

"Beautiful!"

"Amazing!"

"Pretty!"

Naubusan na ako ng mga possitive words kakapuri sa posing ng kambal kong Dyosa habang kinukuhanan ko ng pictures pero di pa din matigil.

Suot nila Mayu at Miyu ang dress na bili ko para sa kanila. Nagmana talaga sila kay Asha. Anghel ang ganda.

"Let's swim!" sigaw ni Elo.

At nagsisunuran naman sila Miyu at Mayu sa kiddy pool na hotspring na inupahan namin.

Nasa gilid lang kami ni Asha kasama sila Miyu at Mayu. Habang sila Iko at Elo ay naliligo at naglalaro na.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon