Chapter 27: "What happen to Louie??"

40.6K 806 51
                                    

Dahil mahal ko kyo :))

Pang 3rd Update for today :))

<LOAD niyo po ulit yung video sa right side .. Tapos PLAY niyo po pag nakita niyo na yung title ng song sa scene .. Dating gawi lang .. Thanks!!>

____________________________________________________________

Monday – Pangatlong araw sa mansyon nila Dave.

Matapos mag breakfast ..

“Son. Pumunta kaya kayo ngayon sa Mall natin? Bukas na ang birthday ko, wala pa silang susuotin.”

“Okay. Gusto niyo bang magpunta sa mall namin?” tanong ni Dave.

“Sure!!” sagot naman nilang lahat.

Van ulit ni Keila ang sinakyan nila dahil marami sila. Si Dave naman ang driver at katabi nito sa unahan si Nancy na medyo bitter pa rin.

Sa likuran naman nila ay sina Keila, Zeth at Nathan ang magkakatabi. Habang sa likuran naman ng mga to ay sina Louie, Venice at Harry.

Oo, hindi kayo nagkamali ng basa .. Katabi nga ni Venice si Louie! Halos lahat sila nagulat ng tabihan nito si Venice, pero hindi na lang sila nagtanong at baka kung ano na naman ang mangyari.

“Venice, okay lang ba sayo kung magka kulay tayo ng susuotin sa party ni Tita bukas?” – tanong ni Harry.

“Magka kulay? Okay lang naman.”

“Bakit naman kailangang magka kulay pa kayo ng isusuot bukas? Hindi naman prom night yung pupuntahan niyo!” angal ni Louie.

“Pwede ba Louie, walang inggitan. Okay lang naman kay Venice eh.”

“Psssh. Okay lang yun sayo? Para kayong aatend ng prom?”

“Huh? Eh. Okay lang naman.”

“See? Kaya wag ka ng umangal diyan! Venice, sasamahan kitang pumili ng dress mo mamaya huh?” – Harry.

“Hindi pwede! Ako na ang sasama sa kaniya!” singit na naman ni Louie.

&quot;A House Full of Hunks&quot; Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon