Slowly But Surely (AshRald Fan Fiction)

spinner.gif

Sarah's POV

 

Ang sweet talaga ni Gerald. Gusto ko talaga ng kape ngayon e! E bakit nga ba siya nagbigay ng kape? Di naman kami magkaaway para bigyan niya ako ng peace offering. At bakit si Fred pa ang nagbigay nito sa akin? Matawagan nga....

 

 

Gege: Hello?

Sasa: Hello Ge! Thank you sa coffee! Paano mo nahulaan na gusto ko ng kape? Bakit si Fred ang nag-abot? Di na lang ikaw?

Gege: Umiiwas lang ako sa tsismis. Nakita kitang nakangiti. That's enough to me.

Sasa: Aalis ka ba agad?

Gege: Uhmmm... kung papaalisin mo ako agad.

Sasa: Ngek! Wait, hahanap ako ng tiyempo. Puntahan kita diyan sa car mo. I want to thank you personally for this coffee. Wait for me ha!

 

 

Sa totoo lang, pupuntahan ko siya doon di lang para magpasalamat. Namiss ko din si Baby Boy... Teka, bakit ko ba siya namimiss? Hmmmm.... ah ok. Kasi friend ko siya. Hanggang dun lang. Friend ko lang siya. 

 

Kailangan ko nang makapuslit dito. Teka, paano nga ba? Ah basta, aalis na lang ako. Di pa naman magsisimula e.

 

*habang naglalakad*

 

 

"Saraaaaaah!!!!!"

 

 

Ay kamote! Sino ba yun?!

 

 

"Take na tayo!!! Saan ka ba pupunta??!!"

 

 

Ouch. Take na pala. Wait, tawagan ko muna si Gege, baka maghintay yun.....

 

 

Sasa: Hello Ge.

Gege: O, bakit?

Sasa: Nagmamadali ka ba?

Gege: I don't wanna get ahead of myself...

Sasa: Ano ba yang sinasabi mo?!

Gege: Hahahaha! Joke lang. Di naman. Free day ko ngayon. Why?

Sasa: Kaya mo ba akong hintayin?

Gege: Hihintayin kita kahit gaano pa katagal yan. Basta pag ready ka na, tell me...

Sasa: Ge!!! Ano ba yan?! *napakunot ang noo*

Gege: Kaya nga! Hihintayin kita dito kahit abutin ka pa ng gabi diyan. OK lang ako dito. 

Sasa: Akala ko kasi....

Gege: Ano akala mo?

Sasa: ......... ah sige, babye na!!!!

 

 

Ano ba yun? Bakit ganun? Parang may sanib si Gege ngayon ah. *sininok* Hala. Sinisinok ako. Wait, nasaan na ba ang tubig ko?

 

 

"Sarah, may problem ba?"

"Direk, sinisinok po ako. Sorry po."

"Uminom ka na ng tubig. We need to finish this na."

"OK po. I'm Sorry"

 

 

Bakit ba kasi ako sinisinok. Si Gege kasi e. Kinilig ako dun. HA?! KINILIG AKO?! Mali! Erase erase!! Di pwede yun. Walang kilig. Sininok lang talaga ako. Pero hindi e. Bakit nga ba ako sininok? Siguro kasi....

 

 

"Sarah! OK ka na ba? Take na tayo!"

"Ah OK po!"

 

 

While having the commercial shoot, di pa rin maalis sa isip ko yung sinok na yun. Teka, gawin daw bang issue ang sinok?! Ang babaw ko na. Normal lang sa tao ang sinisinok. Di ko na dapat iniisip yun. Sarah Geronimo, magfocus ka sa ginagawa mo, ok?

 

Finally, tapos na. Hala! Si Gege! Matawagan na nga muna. 5 hours na siya dun...

 

 

Sasa: Ge! Andiyan ka pa sa labas?

Gege: Hindi wala na.

Sasa: Hala. Nasaan ka na ba? Sorry ha?

Gege: Nasa likod mo...

Sasa: Ha?

Gege: SA LIKOD MO!

Sasa: Bakit mo ako snisigawan?!

Gege: Just turn around. 

 

 

 

 

Comments & Reviews (5)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Gerald Andersonas Gege / Gerald / Baby Boy
Sarah Geronimoas Sasa / Sarah / Baby Girl

Who's Reading

Recommended