My Highschool Life: Based on a True Story

2.8K 31 2
                                    

This Story is dedicated to HER :)) Ms Alyloony. She inspired me alot. Fan nya rin ako dun sa real kong account :) 

This is my story.

My highschool Life.

Based on a True Story.

99.99%

I Just wanted to share it with you guys. :(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 PART 1

I'm hopeless.

Palgi naman eh. Never pa sa buhay ko na magkagusto sa isang taong magkakagusto rin sa akin.

Lagi na lang akong umaasa kahit alam kong hindi magkakatotoo. 

Na mangyayari rin sa buhay ko ang mga kaganapan sa mga lovestory na nababasa ko.

2nd year pa lang kami. Crush ko na sya. Transferee sya eh. Nung mga araw na yun, walang lumalapit sa kanya. Syempre naninibago pa eh. Katabi ko sya sa upuan. Sa last row kami. Kung titingnan mo sya, napaka suplado nya. Hindi nga ako nagkamali, SUPLADO nga.

Pano ba naman eh nag-hi ako tapos hindi man lang ako pinansin. Hello!? Nagiging friendly lang ako noh, para di sya OP! 

Tapos ayun nagpakilala sya sa klase namin. Narinig ko naman yung iba kong kaklase na babae na sinasabing "ang gwapo nya noh."

Sabi na nga ba, yan ang sasabihin nila. Walang kwenta ung pagpapakilala nya. Kasi buong pangalan lang nya yung sinabi nya. Hayy feeling ko tuloy ang boring nya maging katabi. Pero dahil friendly ako, kinausap ko pa rin sya.

"Hi. Ako nga pala si ASDFGHJKL, ikaw?"

"Nagsalita na ako sa harapan kanina ah. Di mo ba narinig o di ka lang nakikinig?"

Ay ang engot ko. Oo nga pala, nagpakilala na sya. Pero di naman kasi ako nakikinig kanina eh. Tinanong ko na lang sya kung saang school sya galing. Ang sagot pa naman sa akin ay "Hell." Grabe ang weird talaga nya. Pero parang sya yung mga bida sa mga story na nababasa ko.

Pagdating nung recess namin, nilapitan sya nung mga classmate kong lalaki. Winelcome sya sa section namin at niyaya sa canteen. Nag-thank you sya at sumama. Grabe sa akin lang ata sya ganun. 

Lumipas ang maraming buwan at nalaman ko na matalino sya. Tapos magaling sa English. Dahil dun, hindi ko na sya katabi. Pianakadulo na kasi sya ng last row. Biruin nyo, hindi sya nakikinig sa lesson namin sa Florante at Laura pero nakasagot pa rin sya. Matalino talaga.

Natuwa pa nga ako nung acquaintance party namin dahil partner yung kulay na sinuot namin. Pero ang sad part doon ay hindi naman nya ako sinayaw. Or should I say na wala syang sinayaw ni isang babae. Maraming usap-usapan sa room na bading daw sya. HELL NO! ang lagi kong sagot sa kanila, tapos sasabihin ng mga kaklase ko, "AYIIEE pnagtatanggol mo naman!"

Ang alam ko, never pa syang nagkaGF or may niligawan. Ang ususera ko noh? Curious eh. Tapos di ko alam sa sarili ko na CRUSH ko na pala sya. AHAHA. Ang landi ko. Tapos nagulat ako nung lumapit sya sa harapan ko. Sabay sabing:

"May gusto ka daw sa akin?"

AY SHEEET! pano nya nalaman? pero imbis na aminin ko, nag-deny ako. Nakakahiya talaga. Wala naman akong pinagsasabihan pero nakarating sa kanya. Kaya ang sabi ko na lang ay:

"Ako magkakagusto sa'yo? SPELL ASA."

Di sya nagsalita non. Tiningnan lang nya ako. EYE TO EYE kami. Tapos umalis na sya. Grabe hindi ko alam gagawin ko nung mga time na yun. Simula nun, medyo umiwas sya. 

Yun yung masakit eh.

One day, inaasar ako nung classmate ko. Sya naman nakaupo lang dun sa tabi at nakatingin lang sa amin. Medyo Chubby kasi ako. Kaya ayun todo ang pang-aasar. Pero itong si classmate #1 ay may nasabing hindi maganda. Basta something na bastos. Bigla syang tumayo sabay sabi kay classmate na, 

"Pare naman. Wala namang bastusan ng babae, baabe pa rin yan eh."

Anong tawag dun sa ginawa nya? pinagtanggol nya ba ako? LOL. Asa naman, ang dami-daming nagka-crush sa kanya sa room, MAGAGANDA AT MAYAYAMAN pa. Eh ako? Hindi naman ako maganda. At lalong hindi mayaman. May kaya lang.

Pagkatapos nyang sabihin yun, umalis na sya. Ewan ko kung saan. Si classmate naman, umalis na rin.

May napansin lang ako sa kanya. Hindi pa nya nasasabi yung pangalan ko. AS IN. Imposible diba? Pero hindi pa talaga. Kailan kaya nya masasabi yun? :(

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

My Highschool Life: Based on a True StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon