Still This Crazy Love

113K 986 105
                                    

STILL THIS CRAZY LOVE

This Crazy Love part 2

Copyright © 2012 by OhKaye

Author’s note:

At ako’y nagbabalik! Hello, OhKaye here! Sa wakas! Ang inyong pinakahihintay na Part 2 ng This Crazy Love! At sa muli, aking sasabihin, THIS IS ONLY A FICTIONAL STORY.

ANNOUNCEMENTS:

MAY COMEBACK STORY PO AKO entitled "This Complicated Love Triangle". Since almost 2 years akong inactive, nagbabalik po ako sa pagsusulat. I hope suportahan nyo.

MAY BAGO PO AKONG TWITTER. Para yon sa Wattpad, Kathniel, and other fan girl stuffs. I-follow niyo ko at magkwentuhan tayo. Ang username ay @ohkayeofficial pakifollow! Salamat!

Prologue:

 

Nung bata ako, may kaaway ako. Isang batang lalaking makulit, bully, mapangasar, sinakluban ng langit at lupa, ubod ng yabang, utak ipis at mukhang unggoy.

Pero nung high school ako, parang ako ang nasakluban ng langit at lupa at bumaliktad ang mundo ko. Oo nga’t weird ako. At alam kong playboy ang unggoy na ‘to. Sino bang mag aakalang magbabago ako para sakanya? Na mahuhulog ang puso ko sakanya? Sa kanya na kaaway ko since birth! Weird right?

Pero sabi nga nila, maraming nangyayari na hindi mo ineexpect.

“Congratulations on your wedding!”

 

 

Nasa reception kasi kami ngayon ng kasal ng bestfriend kong si Julia, at ang bestfriend ng boyfriend ko na si Diego.

Oo, boyfriend ko. Boyfriend ko si Daniel. Ang unggoy na tinutukoy ko. Hahaha! Di ko akalaing in love din sakin ang lalaking yun. Matapos nya akong pagtripan noong bata pa kami, at mang asar nung high school kami, at magkaroon ng sandamakmak na girlfriends noon… may natatagong pagtingin pala sakin? HAHAHA. Ako na swerte! Diba?

“Kath! Daniel! Buti naman at may regalo kayo samin!” Hirit ng aking bestfriend matapos naming iabot ang regalo namin.

“Tol! Salamat! Galing States ba ‘to?” Pabirong sabi ni Diego kay Daniel.

Akalain mong binalikan ako nitong unggoy na ‘to? Matapos siyang umalis papuntang US? Ganun niya ako kamahal? Pinagpalit niya ako sa pag aaral niya dun! Ako na swerte!

“Oo, hinanda ko na yan. Para yan kay Julia. Baril, pag nambabae ka.” Biro ni Daniel. Nagtawanan naman kaming lahat.

“Loyal yata to!” sagot nalang ni Diego sabay akbay kay Julia.

Ang saya nila tingnan… Bagong kasal.

Kami kaya? Kelan? Hehe. Joke lang.

Papasok pa nga lang kami sa college eh. Kasal agad iniisip ko. Ano ka ba Kathryn. Haha.

Ano kayang nag iintay samin dun sa bago naming University?

Magiging masaya ba ang buhay namin o mas magiging mahirap?

Pag-ibig at relasyon, magtatagal ba? O mag iiba ang direksyon?

 

 

I don't know what to do
Hate me for loving you
Cause I know it's wrong for
Me to say... I love you...

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Di ko natiis! Kaya ayan, pumayag akong gumawa ng part 2. Haha! Vote mo na! Para ituloy ko :P

Dedicated to Ate Ella, ang writer ng His Personal Slave. Love you ate <3

 

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon