Previous Page of 3Next Page

Love Team

Dedicated to
bunnyrabbit95
spinner.gif

Alam ko na yung mga ganito eh. Lagi namang may ganitong eksena. Pinagkakaguluhan yung lalaki tapos biglang hahatakin niya yung isang girl. In the end, sila magkakatuluyan. HAHA.

Sandali nga lang, sino ba talaga 'tong lalaking 'to? Ang sakit na ng paa ko. Kanina pa kami takbo nang takbo at kahit minsan eh hindi niya man lang ako nilingon. 

Maya-maya pa, pagkatapos ng mabilis na pagtakbo, bigla na lang siyang huminto at ayun bumangga ako sa likod niya. Ang sakit lang >.<

Napahawak na lang ako sa noo ko. O_O Kung sinuman 'tong lalaking 'to, naiinis ako sa kaniya. Nakakaasar talaga siya. Hays. >.<

"Miss sorry talaga." Lumapit siya sakin pero hindi ko siya tiningnan. Naktingin lang ako sa sahig habang nakahawak pa rin sa noo ko. Nagulat ako nung bigla niya kong inalalayan papunta sa isang bench. Ang ganda nung place. Hindi ko alam may ganito pa lang lugar sa school. 

Sa peripheral vision ko, nakita kong tumayo siya at ngayon nasa harap ko na siya. Umupo siya sa tapat ko at ayun nakita ko na yung mukha niya at oh my!

"Patrick?!" si Patrick pala 'to. Nakakahiya yung sinabi ko kanina sa magkakatuluyan thingy XD

"Janelle?!"

Sabay kaming napatawa. Hahaha. Umupo na siya sa tabi ko.

"Anong gingawa mo dito?!" chorus kami ulit. Mukha kaming mga baliw kasi natatawa na naman kami. Hahaha.

"Dito ka rin pala nag-aaral."

"Yup. Eh ikaw? Don't tell me dito ka na rin mag-aaral?"

"Hahaha. Kaya nga nakikita mo ko dito ngayon di ba? =))"

"Sabi ko nga eh. Ay nako." 

"Si Gian ba dito rin nag-aaral?" Narinig ko na naman yang pangalan na yan. Actually, Gian and Patrick were bestfriends pero simula nang maging artista sila, naging magkaribal na rin sila. Nakita ko pa dati kung gaano sila ka-close sa isa't isa. Pero nung mabalitaan ni Gian na pumirma ng contract si Patrick sa kabilang istasyon, hindi niya kinompronta si Patrick pero sabi niya sakin, kinalimutan na niyang may matalik siyang kaibigan.

"Ewan ko. Mukha ba kong Registrar's Office?" Yun na lang yung sinabi ko. Medyo matagal bago ako makasagot kay Patrick. Di ko kasi alam kung dapat ko bang itanong kung nagkaayos na sila ni Gian eh. Hays >.<

"Ito nagtatanong lang naman eh." Tiningnan ko siya pero nakatingin lang siya sa malayo. Mukhang hindi nga maganda kung bubuksan ko yung topic sa kaniya. Next time na lang.

- - -

The next day, same routine. Pumasok ako sa school at nag-aral nang mabuti hahaha, tapos bonding with my bestfriend Ashley, acting workshop to improve my skills more tapos umuwi na sa bahay. Hindi ko nakita si Patrick sa school ngayon at hindi ko man lang natanong kung anong course niya. Sana magkita kami ulit at pagbabatiin ko sila ni Gian. Hahaha. Feeling ko may good reason si Patrick kung bakit siya lumipat sa kabilang TV station at kailangan kong alamin kung ano yun. Hahaha. Pakielamera na kung pakielamera. Hahaha

Calling......

+639*********

11 pm  na sino kaya 'to? Emergency siguro. 

"Hello?"

"Hi Janelle."

"Sino po ito?"

"Hulaan mo."

"Waah. Hindi ako manghuhula. Bilis sino ka nga?"

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (10)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended