Chapter 32

222K 2.3K 45
                                    

 

CHAPTER 32

MAXINE'S

I saw how their eyes met. I saw it. And I swear there was a connection.. not an ordinary connection. It was something powerful.

I hate it. Ganon na ganon ako tignan ni Dylan.

I hate how it feels.

At ngayon? Heto, andito ako sa tapat ng salamin habang tinitignan ko kung bagay ba sakin ang damit na suot ko. Kung bakit ba naman kasi pumayag pa si Dylan na magdinner kami kasama sya. Aba, last day na namin dito bukas. Hindi ba mas maganda kung kaming dalawa lang magkasama hanggang bukas? Nakakainis. This is supposed to be private.

"Ready?" He asked kasabay ng pagtabi sakin sa salamin. Naramdaman kong pumulupot na ang kamay nya sa bewang ko.

"Yea, but wouldn't it be better if dito na lang tayo?" Tapos ay hinarap ko sya at kinabig papalapit sa mukha ko. Halos magdikit na ang mga labi namin. "Besides, there are better things we could do." Ngisi ko sakanya.

He gave me a short peck on my lips bago ulit nagsalita. "Come on, babe. Solo mo naman ako bukas. Pagbigyan na natin si Monica. It's been years since we last saw each other."

I just sighed and nodded. Wala naman ako magagawa eh. Parang kanina, magisa nanaman syang nagdesisyon tungkol sa dinner na to. Naalala ko pa talaga..

"Dylan!" Sabay kaming napalingon sa babaeng tumawag kay Dylan.

 

Noong una ay hindi ko talaga mawari kung sino ang sumigaw pero noong sinundan ko ang tingin ni Dylan at halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.

 

Isang babaeng nakasuot ng halos.. wala. Oo nga at maraming nakabikini dito pero sya.. sya.. ewan ko ba parang kulang na lang talaga ay maghubad na sya.

 

Papalapit sya ng papalapit ngunit hindi ko pa rin sya namumukhaan.

 

"Dylan! Hey!" Masaya nyang bati noong halos dalawang metro na lang ang layo namin sa isa't isa.

 

"Monica?" Halata ang pagdadalawang isip ni Dylan ngunit halata din ang kasihayan sa tinig nito. Monica? Sino sya?

 

"Oh, goodness! Akala ko nakalimutan mo na ako!" agad namang pinulupot ng Monica na yun ang sarili nya sa braso ni Dylan.

 

"Sira ka talaga." Tumawa na lamang si Dylan habang inaalis ang kamay nito sakanya. Dapat lang! "So, you're back?"

 

"Ah, oo. 1 week na rin. What are you doing here? Diba dapat may pasok ka?" Grabe lang. Makapagusap tong dalawang to akala mo wala silang kasama ah?

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon