Chapter 6: Goodbye to you

2.8M 65.2K 14.7K
                                    

"Korea? Bakit kailangan nating pumunta sa Korea?" nagtatakang tanong ni Mama. "Kakadating pa lang ni Candice dito, Charles. May problema ba kaya kailangan na sa Korea na tayo mag-stay?"

Lumapit siya at niyakap niya si Mama na parang naglalambing pa siya. "Magtiwala ka lang sa'kin, Mama."

"Okay. I trust you, Charles. Kung ano man 'yan, alam kong 'yan 'yong makakabuti sa 'tin."

"Thanks, Mama. I know this is the best for us." Tiningnan ako ni Kuya Charles. Parang sinasabi niya na ito ang best para sa akin. "Candice, nailabas mo na ba 'yong mga gamit mo sa bagahe mo?"

"Hindi pa, Kuya. Wala na akong dapat ihanda."

"Ako ang dapat madaming ihanda. Nako, baby, sa Korea na lang tayo magkwentuhan ah? Mag-iimpake muna ako." Nagmadali agad si Mama na umakyat para mag-impake ng mga gamit niya.

"Is this really the best for us? Or is it just for me?" Lumapit sa 'kin si Kuya at hinawakan niya 'yong kamay ko.

"You need to forget him and the only way is to get far away from him." Ngumiti sa 'kin si Kuya. Yeah, maybe this is really the best for us... for me.

"Sana nga, Kuya, ito na 'yong way para makalimutan ko siya. Ang lumayo sa kanya."

"Sana nga. I want you to be happy, Candice. Gawin mo na ang dapat mong gawin. Magpaalam ka na sa kanya. Alam mo na 'yong ibig kong sabihin." Ngumiti ako sa kanya. "Maaga tayong aalis bukas."

"Okay, aalis muna ako."

Lumabas ako ng bahay. Kailangan ko siyang puntahan. Naglakad ako papunta sa lugar kung nasaan siya, si Papa.

Lumapit agad ako sa puntod niya. Umupo ako. "Hi, Appa. I missed you."

Pinatong ko sa mga tuhod ko 'yong ulo ko. "Appa, sana nandito ka. Sana kasama kita ngayon, I need you right now." Niyakap ko 'yong tuhod ko gamit 'yong dalawang kamay ko. "Siguro kung nandito ka, hindi mo hahayaan na masaktan ako nang ganito. Baby girl mo kasi ako, 'di ba?"

Papa, kung nandito ka lang, hindi siguro ako malulungkot nang ganito. Lahat ginagawa mo para hindi ako malungkot, 'di ba? Ayaw mo na may nananakit sa 'kin. Ayaw mo na umiiyak at nasasaktan ako...

Nag-isip-isip ako. Kung nandito kaya si Papa, ano kayang sasabihin niya sa 'kin? Sa pagkakakilala ko sa kanya, gagawin niya 'yong alam niyang tama.

Kinuha ko 'yong cellphone ko. Ito na 'yong tamang panahon, Candice. Ito 'yong dapat mong gawin.

Kinuha ko 'yong phone ko, tinawagan ko siya, si Jeydon.

Unti-unting bumibilis 'yong tibok ng puso ko sa bawat pag-ring ng phone.

"Hello?" Hindi ako makapagsalita. Bigla akong nawalan ng sasabihin. Ang lakas pa rin talaga ng epekto sa 'kin ni Jeydon.

Jeydon, paano ba kita makakalimutan? Ngayon pa lang, hirap na hirap na ako.

"Hello? Sino ba 'to?" Hindi niya 'ata alam na ako 'to. Mukhang binura niya na 'yong number ko.

Ako 'to, Jeydon. Si Candice. Alam kong hindi mo na ako mahal, pero 'wag mo naman akong kalimutan o? Minsan din naman akong naging parte ng buhay mo, hindi ba?

"Ano ba?! Sino ba 'to?!"

"Ah... Jeydon..." Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang 'yong sarili ko. Ayokong marinig niya na umiiyak ako. Ayoko. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Hindi pa ba malinaw lahat sa 'yo? Tapos na tayo."

Tinakpan ko 'yong bibig ko pagkatapos ay napapikit na lang ako sa sobrang sakit. Hindi ko na kasi napigilan 'yong pag-iyak ko. Ang sakit. Ang sakit marinig galing sa kanya na tapos na kami.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon