Cafe Fialetso (One Shot)

Dedicated to
thesocialbutterfly
spinner.gif

Part 6a

 

Someone's POV

It's ten minutes before eight o'clock pm. Kaunti na lang ang pumapasok dito sa cafe. Maya-maya pa ay makakapagsasara na kami.

"Hey, Charlie bukas darating yung suppliers natin. Makakapasok ka ba ng mas maaga?" tanong ko sa crew ko.

Tinigil naman nya ang pagpupunas ng lamesa at hinarap ako. "Ay, sige po sir. Aagahan ko po." sagot naman nya.

"Salamat." sabi ko tapos tinapik ko yung balikat nya. Maasahan talaga ang mga tauhan ko.

"Ay sir, ito po pala yung billings." inabot sakin ni Sam yung mga envelops.

"Thanks, Sam." sagot ko. Kinuha ko yung mga envelops at in-occupy yung isang table saka inisa-isang buksan ang mga yun. End of the month na naman kaya kailangan nang magbayad ng utilities.

 

Maya-maya pa..

 

"Pwede na yata tayong magsa--" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapatingin ako sa isang babaeng nakaupo sa table katapat ng inuupuan ko. Hindi ko agad napansin na may tao pa pala. Nakayuko kasi sya.

"Sir, kanina pa po yan. Tulog na po ya--"

"Husssh...ako nang bahala." sabi ko sa crew ko tapos nilapitan ko yung babae.

"Miss..." tawag ko sa kanya pero hindi sya sumagot.

Tulog nga yata...

"Miss..." sinubukan ko ulit syang tawagin.

Paano ba ito? Mukhang antok na antok sya. Umupo ako sa silya katapat nya saka muli syang tinawag.

"Miss..." ulit ko pero wala parin syang reaksyon. Hinawi ko yung ilang strand ng buhok na nasa pisngi nya.

Bigla akong natigilan at napangiti.

She looks so peaceful while asleep. Nakakaaliw pagmasdan, ang amo kasi ng mukha nya. Nakakaguilty tuloy na gisingin. 

Napansin ko na wala syang make-up, not like the girls who usually go here in Cafe Fialetso.

She has a natural long eyelashes and a prominent cheekbone. At yung lips nya bahagyang naka-pout.

Natigil ang pag-oobserve ko nang bigla syang nagsalita.

 

"I do.."

"I do" raw pero nakasimangot.

Muntik na akong mapatawa. Sa himbing ng tulog nya, nanaginip pa yata.

****************************

Gracielle's POV

Hindi ko akalain na dahil sa isang cappucino at blueberry cheesecake ay magkakaroon ako ng instant groom.

Bakit?

Yung loku- lokong lalake na yun, akalain mong sabihin sa lahat na we're getting married. Napanganga ako nang bonggang bongga. Ako at siya!? Getting married.

Nakakawindang!

Flash back.

 

"Ayyyyyyyyyyyy" sigaw ko nang madulas dahil sa natapon na kape sa sahig. Nasalo naman ako ni Vince kaya di ako lumagapak. Ang kaso, biglang bumukas yung pinto.

"Naku, sir!" Gulat na gulat na koro ng tatlong crews. "Pasensya na po kung naabala namin kayo. Akala po kasi namin kung ano nang nangyari at may sumigaw kaya po binuksan namin yung pinto." tuloy tuloy na paliwanag nung babae. "Hindi ba?" sabay siko sa kasama nya.

"Opo! Yung nga po. Sorry po sir!" sabi nung dalawa.

Yakap parin ni Vince yung bewang ko habang nakasandal naman ako sa dibdib nya. Pareho kaming na-shock.

"Sorry po talaga , sir! " Hingi ulit nila ng dispensa.

Una akong nakabawi sa pagkagulat kaya humiwalay ako sa pagkakayakap niya at saka nag-isip ng sasabihin nang mapansin kong ilan sa mga customers ng cafe ang kanina pa nakikiusyoso mula sa nakabukas na pinto.

"Wala naman kaming--"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi bigla syang nagsalita. "Okay lang yun." sagot nya nang nakangiti. Lumapit pa sya sakin saka ako inakbayan. "Mabuti narin siguro ito para masabi ko sa inyo na invited kayong lahat sa kasal namin!" dugtong nya pa.

Kasal!?

"Wow! Congrats po Sir! Congrats Ma'am!" tuwang tuwang bati nila samin. Yung ibang customers naman nagpalakpakan pa. Habang ako..pilit na iniintindi yung sinabi nya.

"Anong ibig mong sabi----"

 

Hindi ko na natapos pa kung anu mang dapat kong i-apila dahil bigla nya na lang akong hinalikan na syang nagpalakas lalo ng palakpakan ng mga nanunuod.

 

I had my first whiskey last night, my first boyfriend when I woke up this morning and my very first kiss, today!

 

Kung ikaw ako, hindi ka kaya ma-shock!?

Matapos ang kiss, he smiled sweetly and whispered something to me. "Do you think it's a bad idea?"

Sa sobrang inis ko. Sinagot ko nang napakalakas ang tanong nya.

 

"I do!"

 

Waaaah!

 

Nagpalakpakan yung mga tao. 

Ngiting ngiti naman sya.

"Ang sweet!" narinig ko pang sabi nung isang customer.

 

And now, I just have my instant groom!

**************************

Someone' POV

" I do...?" Pigil ko parin ang tawa ko

"Miss.." tinapik ko sya ng mahina sa balikat.

"I do!" bigla nyang sigaw . "I do think it's really a bad idea! Bakit ako magpapakasal sayo? " sabi nya pa.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Ikaw ba, kung sabihan ka ng ganun ng di mo kakilala at bagong gising, makarecover ka kaagad?

 

Namilog yung mata nya tapos nilingon yung mga tauhan ko na nakatingin sa amin. Tapos sa akin naman sya tumingin. Biglang namula yung pisngi nya.

"Miss, pasensya na ha. Magsasara na kasi kami kaya ginising kita." sabi ko with a smile.

*************

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Ferris Wheel (Short Story)How To Make Him Yours (Tips from the expert)A glimpse that I fall for!PLEMA AT PAPEL (Compilation of my Short Story - ONESHOTS)