Isang madilim na Paningin.

spinner.gif

 Pinanganak ako. Hindi ko na alam ang kulay ng mundo. Hindi ko alam ang itsura ng mga magulang ko. Hindi ko alam ang mundong ginagalawan ko. Hindi ko alam ano ang itsura ko. Wala akong makita. Kadiliman ang paningin ko.

Wala namang pinag-kaiba ang umaga at gabi sa amin, kapag tahimik at malamig na may tunog ng kuliglig ibig sabihin lang nun ay gabi. At kapag mainit na may tinig ng mga ibon, ibig sabihin nun ay umaga.

Mahirap palang mabuhay ang isang patay, parang nakakulong sa kabaong na nakikiramdam sa mga nangyayari sa paligid.

Wala akong ideya kung ano ang kulay ng pulang dugo, ng pulang puso. Luntian na ulap, kulay ng takipsilim, kulay ng dagat at marami pang iba.

Swerte ka at nabuhay ka sa mundong nakikita ito. Anu man ang problema mo sa buhay, kaya mong resolbahin ito. Huwag kang mag bulag bulagan na parang hindi mo alam ang daan patungo sa tagumpay. ikaw tong walang kapansanan, ikaw pa tong nagiging lumpo, bulag, pipi, bingi. Madalas mas malala ka pa sa amin.

Tulad kong walang paningin pero malinaw ang lahat ng pananaw sa buhay. Naniniwala akong may ibig sabihin ito, may dahilan bakit ibinigay sa akin ito. Nasa akin ang lahat ng pagmamahal ng tao.

Isa pala akong bulag. Bulag na may asawa. Pero wala pang anak. Bulag din ang asawa ko. Wala kaming ideya sa kung ano ang itsura namin, basta malinaw pa sa taong may mata ang nararamdaman namin sa isat-isa. Malay ng puso sa itsura ng tao? Malay ng puso ng estado mo sa buhay? Utak lang ang nag iisip niyan, kasabay ng mapanlinlang na nakikita ng iyong mga mata. Diyan kami lamang, kapag kami nagmahal, magmamahal talaga kami. Wala kami oras mag loko. Malinaw at diretso ang pananaw namin sa buhay.

Pero huwag mo aalisin sa isip mo na mas kaya mo ang ginagawa namin, pwede mong gawin ang pananaw namin sa buhay na nakikita ang mundo.

Tulad mo, tulad ko. tao lang din ako. May madilim na mundo akong iniikutan pero swabe ang mga galawan. Ikaw naman ay may makulay na mundo na maraming pasikot sikot para makuha ang kasiyahan.

Paano? napadaan lang ako. Magmamasahe lang ako. May customer eh. Tulad mo. Kailangan ko din ng pera.

Ingat, maswerteng kaibigan.

 

Comments & Reviews (37)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended