Chapter 6

45.7K 572 36
                                    

Lhaine Lee Ramos - POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos - POV

"Pagpasensiyahan mo na si Ryan. He's moody and senstive at times but he's a nice boy. I'm sorry that we made some things complicated. We really did not know how to handle everything," linapagan ako ni Tita ng isang baso ng gatas at isang slice ng cake habang nagre-review ako sa sala.

"Ah opo. Mukhang magkakasundo rin naman po kami pagdating ng ilang araw," sagot ko naman. Hindi ko lubos akalain na si Ryan Lee pala ang anak nila. Pinaliwanag naman nila ang lahat sa akin nang makauwi ako. Inintindi ko nalang, mas magiging komplikado pa kasi siguro kapag maraming tanong.

"Okay, study well. We'll really be happy if you two will get along like brothers and sisters do," habol ni Tita bago siya umalis. Napaka-heartwarming nilang dalawa ni Tito. Ngayon palang nila ako nakilala pero parang 'anak' na talaga ang trato nila sa akin. Pinagpatuloy ko ang review ko, naalala ko tuloy si Ryan, nag-aaral kaya iyon? Parang babagsak kasi eh.

Maaga akong nagising gaya ng nakasanayan ko. Nagluluto na ang kasambahay nilang si Manang Amor. Dahil maaga pa, tinulungan ko siya. Buti nalang at nagustuhan nila ang niluto kong chopsuey.

"Sabay na kayong pumasok," sabi ni Tita sa akin pagkatapos naming kumain.

"Ah. Uhm, okay po," alanganing sagot ko. Lumabas ako at nadatnan si Ryan na nagpupunas ng bintana ng sasakyan. Kasunod ko lang na lumabas si Tita.

"Ingat kayong dalawa sa school. Be nice and treat each other like brothers and sisters do. Okay?" paalala ni Tita. Napatingin kami ni Ryan sa isa't-isa at parang may invisible na spark sa pagitan namin.

"Yeah. Tara na, baka ma-trafic pa," pumasok si Ryan Lee, sa sasakyan niya. Nagpaalam ako kay Tita at sumakay sa backseat. Wow, classmate-seatmate-housemate ko siya. Ang awkward sa loob ng sasakyan. Hinagilap ko agad ang earphones ko at sinaksak ko sa tenga ko para makaiwas sa usapan. Kakalabas nga lang ng sasakyan sa gate ay liningon niya ako at hinila ang earphones.

"Front, gagawin mo pa akong driver eh," iritadong sabi nito. This guy has the worst mood swing ever.

"Opo," bumaba ako at sumakay sa harap.

"Naisip mo na ba kung anong mangyayari kapag nagkataong malaman ng lahat na sa iisang bahay lang tayo nakatira?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Huh? Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi."

"Walang magsasabi?" he grinned. This guy!

"RYAN LEE!"

"What?"

"Please huwag mong sabihin sa kahit na sino. Parehas tayong masisiraan ng reputasyon at uhm, pagkatao?"

"Pagkatao? Ikaw pa ang nahiya na ako ang kasama mo sa iisang bahay?"

"Hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Isa ka pong mabait na nilalang. Dapat po ay hindi kita hinuhusgahan. Guwapo ka at uhm, basta," sumagi kasi agad sa isip ko na baka naman ma-bully ako kapag nagkataon. Isa pa, wala akong balak na ipaliwanag sa lahat ng tao ang tungkol sa magulong buhay ko. Now I understand why he was pissed at what he heard me say.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon