Previous Page of 4Next Page

Reaching You (Book 2 of My Prince)

Dedicated to
PrincessYooan
spinner.gif

 

I smile then sumubo narin ako. Doon ko lang napansin na puro galos yung braso ni Ren tapos ang dumi ng paa niya.

 

 

“Ren, ano nangyari diyan? Bat ang dami mong galos at bat ang dumi mo?”

 

 

“oh this?” bigla naman niyang ibinaba yung sleeves ng shirt niya para itago saakin yung sugat “nadapa lang ako nung hinahanap kita pero hindi naman masakit eh. Wag mo na intindihin”

 

 

Hinawakan ko yung braso niya “aray ku!” tinignan niya ko “hehe joke lang”

 

 

“masakit eh! alam ko masakit yan!”

 

 

“hindi nga promise!”

 

 

Para siguro akong abnormal dito pero bigla na lang akong humagulgol ng iyak

 

 

“o-oy mestizang hilaw bat ka umiiyak? May masakit ba sayo?” inilapag ni Ren yung cup noodles sa side table atsaka sumampa sa tabi ko at inakbayan ako “mestizang hilaw anong problema?”

 

 

“i-ikaw *sniff* kasi eh!!! *sniff sniff* nakakaasar *sniff* kang Salvy *sniff* ka!!!”

 

 

“a-anong ginawa ko? Uy mestizang hilaw! Sorry na kung may nagawa ako sayo! Wag ka na umiyak please!”

 

 

“mukha mo! Bat ka mag-so-sorry kung yung ginawa mo eh mahalin ako ha?! Huwaaaaaaa” T___T

 

 

Narinig ko naman na napatawa si Ren. Niyakap niya ako ng mahigpit atsaka ako binulungan “I love you”

 

 

“I love you too Ren. Sorry ha? Pinag-alala kita”

 

 

“wala yun. Ang mahalaga you’re safe at nandito ka ngayon sa tabi ko” he kissed my forehead “wag na wag mo kong iiwan ha? I’ll die pag nawala ka ulit. Kanina lang halos mabaliw ako. Akala ko di na kita mayayakap ulit eh”

 

 

Niyakap ko din si Ren habang nakasandal ang ulo ko sa chest niya “sorry pinagalala kita. Promise, di ko na gagawin yun.”

 

 

Habang yakap yakap ako ni Ren, parang yung confusion ko kanina, yung sakit ng ulo ko at yung takot, nawala. Yung pakiramdam ko ngayon? Ang saya saya ko.

 

 

It’s been a long time na may nag-alala saakin ng ganito. Nakalimutan ko na yung sarap ng mahal ka ng taong mahal mo. Almost two long years of pain and misery

 

 

Salamat dahil masaya na ulit kami.

 

 

               

 

 

[University]

 

 

“There are three forms of business organization, the sole proprietorship, partnership and the corporation. In certain cases, the accounting procedures depend to some degree on the form of organization. It is, therefore, timely and useful to differentiate a sole proproietorship from a partnership and from a corporation” blah blah blah yobab yobab yobab oink oink oink

 

 

BOORRRRRRIINNGGGG

 

 

Nag pangalumbaba ako habag nakatitig sa prof kong dada ng dada sa harap at nagpapanggap na nakikinig sa kanya but the truth is ang utak ko lumilipad na.

 

 

Ang tagal naman matapos ang klaseng to. 1 hour lang bat feeling ko lifetime na ko nakaupo? Gusto ko na makita si Salvy T____T

 

 

Nung mag ring na ang bell, parang nabuhay lahat ng dugo sa katawan ko at agad agad kong inayos ang gamit ko. At last makakalabas narin sa classroom na to! Pabagsak na kanina ang mata ko sa sobrang antok eh >__<

 

 

Kinuha ko na yung bag ko at naglakad sa may pinto kaya lang di ako makalabs dahil nag kukumpulan yung mga tao doon. Ano bang pinagkakaguluhan nila? At talaga nga naman, naisipan pa mag kumpulan sa may pinto. Male-late na ko sa next class ko eh!!

 

 

“uh excuse me” nakisingit ako doon sa mga taong nag kukumpulan “please excuse me” may mga naapakan pa ako at nasagi. Gusto ko na nga sumigaw ng “OUT OF MY WAY!!!” ano ba naman tong mga taong to =__=

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (220)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Chapter 23  *Out of my league *

Cast

Koike Teppeias Ren Salvador
Kitagawa Keikoas Amber Lopez
Ben Barnesas Blake Williams
Ashley Greeneas Autumn Helling
Miura Harumaas Jiro Festin
Nagasawa Masamias Arcie Morales

Recommended

Pusong Hilo xDIt Started With A Lata--- Chapter EightLiarsThe Casanova's Love Story       [ ongoing ]