Chapter 75

114K 2.2K 603
                                    

“Ah e-ewan ko sayo! Dyan ka na nga!” sigaw ko at umalis habang sya ay tumatawa

Anong nakakatawa?! Nakakatawa ba kapag nalaman ng mahal mo na may fiancé sya?! God! Sira ata tuktok nito e.

Lumabas ako kung nasaan ang mga iba, nakapalibot sila sa apoy. Tumabi ako kay Qim at Cielo, maya-maya dumating na si Keith at umupo sa harap ko. Bakit ang hilig nyang umuupo kaharap ko? Tapos ano? Tititigan nya ako buong oras. Grabe…

 

“Okay, ano kayang pwedeng pag-kwentuhan?” tanong ni Sofie, eto na ang umpisa ng mahaba habang usapan.

 

“Shayne, natatandaan mo nung bata pa tayo?” tanong ni Cielo, ano nanaman kaya yun?

 

“Nung pinag-f’flames mo pa ang pangalan nyo ni K-“ hindi ko sya pinatapos mag-salita, tinakpan ko agad ang bibig nyang madaldal

 

“K daw! Wooh!” sigaw ng mga boys at pinag-tulakan si Keith hanggang sa matomba sya sa kinakaupuan nya

‘Tong mga ‘to, porket K lang si Keith na agad? Pwedeng Kristof? Kean? Pero totoong si Keith talaga yun. Hahaha. Sobrang crush ko sya nung elementary kami at alam kong hindi nya ako magugustuhan dahil sa weird look ko kaya hanggang flames na lang ako. Hahaha.

 

“Ah! I remember! Nung elementary pa tayo pag nag-t’truth or dare, laging tanong sayo kung sino ang crush mo at sinasabi mong nag-sisimula sa S. Hmm… Sino kaya yun?” tanong ni Kevin na nakahawak sa baba nya

 

“Shut up Bro!” hinagis ni Keith ang dala nyang bote kay Kevin

 

“So the feeling is mutual simula elementary?” tumawa sila at inasar kami. Itong dalawang katabi ko naman na sina Cielo at Qim ay kinikiliti nila ako sa tagiliran.

 

“Ikaw Cielo kung makapag-salita ka dyan parang hindi ka kinilig nung hinalikan ka ni Zander nung bata pa tayo.”

Natandaan ko nung mga 6 years old kami nung nakilala namin sina Keith at Zander sa playground ng isang subdivision, gumagawa kami ni Cielo ng sand castle noon ng may grupo ng malalaking bata ang sumipa sa castle na ginawa namin, syempre umiyak ako nun pero etong si Cielo handa ng lumaban ng biglang may dalawang lalaki na kasing edad lang namin ang humarap sa mga malalaking lalaki, natatandaan ko yung mga mukha ng mga jumbo boys nung nakita nila kung sino ang pumagitna sa amin at tumakbo na.

Hindi pa nga ako tumatahan sa pag-iyak kahit wala na yung mga jumbo boys kaya pati yung mga lalaking lumigtas sa amin cinomfort ako, at doon namin nalaman na Keith at Zander ang pangalan nila. Natatandaan ko pa nga na nag-promise ako kay Keith pero nakalimutan ko na kung ano yun. At bandang huli, hinalikan ni Zander si Cielo sa pisngi bilang good bye kiss.

Ayaw nga nya maligo nun kasi kiniss daw sya ng crush nya.

Tinignan ko si Keith na nakatitig sa apoy, gumwapo talaga sya. Pumuti tapos isali mo pa ang brown hair nya, nag-gym rin siguro ‘to kaya ganito ang katawan, naging firm ang muscles nya. Nag-iwas ng tingin nung lumingon sya tapos tumawa. Gusto kong lamunin ako ng buhangin! Nakita nya akong nakatitig sa kanya!

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon