Chapter 46

123K 2.8K 589
                                    

Chapter 46

(JUSTINE)

“May problema ka ba Sophia?” Ang tahimik kasi niya. At kanina pa siya nakatingin sa malayo.

 ”Justine...” Natigilan ako. Ito yung kauna-unahang pagkakataon na narinig ko ulit ang boses ng dating Sophia. 

”B-bakit??” Unti-unti siyang tumingin sa akin.

“Bakit mo nagawa sa akin yun noon? May mali ba akong nagawa sayo? Naging selfish ba ako?” She’s asking me why. Pero bakit ko nga ba nagawa sa kanya yun? Maski ako hindi ko na maalala kung bakit. Pero selfish? She wasn’t that kind of person. Kulang na lang ibigay niya lahat sa ibang tao ang meron siya.

”Alam mo ba, I’ve always dream of having a happy family, a happy life. I hated the fact that I’m the Heiress of the Montereal Clan na balang araw lahat kayo, luluhod sa harap ko. That’s why I asked Nics to let me have my freedom and live just like any ordinary girl. That’s why I hid my true identity to everyone except for those who want to know and get rid of me. At kaya si Nics ang kinilalang tagapagmana.” Is she opening up herself to me?

 “Wait.. Anong ibig mong sabihin?” She smiles, a very sad smile.

“Justine, sa mundo natin marami kang makikilalang tao. Mga taong pwede mong pagkatiwalaan at mga taong tatraydor sayo. At kung minsan sa kasamaang palad ang taong malapit pa sayo ang itutulak ka sa bangin ng hindi mo alam..” Bakit parang may pinaghuhugutan si Sophia sa mga sinasabi niya? Meron bang trumaydor sa kanya? Pero impossible naman ata yun. Walang sinuman ang maglalakas loob gawin iyon. Kakatakot kaya si Sophia!

 ”The Royal Graduation will be tomorrow. Then everything will come to its end.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari bukas. Wag naman sana.

 “Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero Sophia.. Promise me one thing.” Diretso akong tumingin sa kanya.

 ”Please don’t leave me..”

(THIRD PERSON) 

Ito na ang araw na pinakahihintay nila. Ang Royal Graduation.. Sa nakalipas na 20 years, ngayon lang ulit may gagraduate na kabilang sa mga pinakamakakapangyarihang pamilya. At yun ang inaabangan ng lahat.. Pero ang hindi nila alam, may mga sorpresang naghihintay sa kanila. Ito rin ang araw kung saan matatapos na ang lahat. 

“Asan siya?” Tanong ni Timothy kay Sebastian..

 “She’s just having her moment with her brother for the first time after 4 years…” Sagot naman ni Sebastian

 “Magiging maayos kaya ang lahat ngayon?” Bigla sabi ni Timothy habang nakatingin sa malayo.

 ”Have faith with her, Timothy..” Napalingon sila sa boses na nagsalita..

 ”Clarissa...” Lumapit sa kanila si Clarissa. She’s wearing a simple pink colored dress.

 “Afterall, she’s our Empress… right?” Tumango lang si Tim. Pero hindi maiaalis sa kanya ang mag-alala. Pinagkatiwalaan siya ni Sophia sa isang sikretong pareho silang nasaktan.

 (SOPHIA)

Pinakiramdaman kong maigi ang paligid. Malakas ang simoy ng hangin, ang tagal na din simula nung pumunta ako dito.. Kaya heto ako nakasalampak sa damuhan habang nakasandal sa grave stone ni Nics at nakatanaw sa Royal Academy..

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon