Chapter 7 - Classmates

534K 10.8K 1.5K
                                    

Chapter 7

Nagising ako ng 5am. Ang aga 'no? Gan'yan talaga kapag maganda, maagang nagigising. Gulat naman kayo? Walang koneksyon 'yan.

Kinuha ko yung thermometer at isinaksak sa p'wet ni Terrence. Pero s'yempre joke lang. Digital thermometer lang 'to at hindi anal. Hahaha!

Tinaas ko yung kilikili nya. Amuyin ko kaya? Joke!

"Check ko lang temperature mo.." sabi ko. Umupo ako sa tabi n'ya.. At nilagay na 'yung thermometer sa kilikili n'yang mabantot. Haha! Joke lang! Alaga siguro 'to ng derma n'ya? Ang puti!

"Bumaba naman na ang lagnat mo. . . sayang naman." nag-snap pa ako ng fingers.

"Talikod ka nga sa akin hoy!" nakapikit pa s'ya at parang walang pakialam sa paligid n'ya. Kaya sapilitan ko s'yang itinagilid. May ichecheck lang naman ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Tanging lampshade lang ng kwarto n'ya 'yung bukas. Natulog pala ako sa tabi n'ya, 'wag kayong OA! May nakaharang na unan sa pagitan namin. Naduwag lang ako sa lintek na devil's hour na yan. Sisihin ang mga pinapanood kong horror movies, bwisit!

"Hoy papalitan kita ng damit! Pakers ka!" kumuha ako ng isang white t-shirt 'yung cotton. Basa kasi s'ya ng pawis..Pinalitan ko na s'ya. Tumabi na ako at natulog ulit. Waaah! Nakakapagod talaga ngayon. Puyat na puyat pa ako.

zzzZzz..

"AHH! ANO BA?!" sigaw ko. May mabigat na nakapatong sa dibdib ko. Pagtingin ko sa parteng dibdib ko ay nakita ko ang isang kamay na nakapatong doon, kaagad tumaas ang lahat ng dugo sa mukha ko.

"WAH! ANG MANYAK MO!" sabay hinampas ko 'yung kamay n'ya. Halos maputol ang litid ng vocal cords ko.

"WAH! ANONG GINAWA MO SA AKIN?! ANG MANYAK MO!" sabay binato ko sa kan'ya ng mga unan. Wala akong paki kung may lagnat pa s'ya basta ang alam ko ay kailangan kong saktan s'ya.

"ANO BA?! ANONG PROBLEMA MO AT NAGSISIGAW KA JAN?!" sabi n'ya. Aba pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya, sisigawan n'ya pa ako. Pagkatapos n'yang hawakan ang mga bagay na hindi naman dapat hawakan ay ganoon na lang ang sasabihin n'ya?

"AT IKAW PA ANG MANINIGAW HA?! ANG MANYAK MO! HINAWAKAN MO ANG BOOBS KO!" sabay takip ko sa dibdib ko gamit ang isang unan.

"HINDI KO GINUSTO YUN! TSAKA ISA PA, WALA NAMAN AKONG NARAMDAMAN... MERON BA?" naglalaro sa mga labi n'ya 'yung smirk na 'yan. Mas lalo atang tumaas ang dugo ko, hindi sa kahihiyan bagkus sa galit ko sa kan'ya.

"ARAY! WALANGYA KA TALAGANG BABAE KA!" sigaw n'ya. Buti nga, sapul sa ulo ng 12 inches na vase. Hahaha! Joke lang, sapul s'ya ng sapatos n'ya. Hinaplos haplos naman n'ya 'yung ulo n'ya. Mabuti na lang talaga at expert ako sa pagbato.

"Hoy mukang okay ka na. Alis na ko..Hindi pa tayo tapos, ang manyak mo." inirapan ko s'ya at nagmadaling lumabas ng kwarto n'ya.

"Bakit? Ayaw mo ko gumaling para makatsansing ka sa akin?" he said without regret. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Wala ng mas yayabang pa sa kan'ya.

"Ang kapal mo! Peste ka! Pakibuksan ang pinto ng makaalis na ko. Kailangan ko pang magpaliwanag ng mahabang mahaba sa Papa ko. Panira ka kasi eh! Sh-t lang!" inis na sabi ko. Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng panget n'yang pagmumukha.

"Hatid na kita.." sabi n'ya. Weh?

"Wow! Hatid your face! Kaya ko ang sarili ko. Kung gusto mo, bigyan mo na lang ako ng pamasahe.." actually, may pera pa naman ako. Hindi ko lang talaga gagastusin. Nakahawak sa bewang 'yung isa kong kamay habang 'yung isa ay nakalahad at naghihintay ng pera.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon