[8] By the Way

299K 9.2K 626
                                    

Uwian na at habang naglalakad ako palabas ng gate ng school ay biglang may humablot sa akin patungo sa madilim at masikip na lugar. Balak ko sanang sumigaw pero tinakpan niya ang bibig ko. Halos wala akong makita sa sobrang dilim ng kinalalagyan namin. Matagal bago ko narealize na nakayakap pala sa akin ang kung sino mang humila sa akin. Agad ko siyang itinulak palayo pero natigilan ako nang magsalita siya.

"I won't touch you unless I have no other choice. So stay still and wait till they're gone," boses ni Storm.

"Ano na naman bang pakulo ito?" tanong ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at nagulat ako nang hilain niya ako palabas sa tila isang napakaliit na puwang sa may gilid. Paano kami nagkasya roon?

Seryoso ko siyang tiningnan. "So what are you up to this time?" inis na tanong ko.

"Nakikita mo 'yung mga lalaking 'yun? Hinahanap ka nila. May atraso si Jack Frost sa kanila at balak ka nilang gamitin laban sa kanya."

Lumingon ako at nakita ko ang mga lalaking nakaitim na uniform. Wait, katulad 'yun ng uniform ng mga nakaaway ng gangster na 'yun sa bar! Paano sila nakapasok sa school namin?

"At paano mo naman nasabi na ako ang pakay nila, ha?" tanong ko.

"Because I can read minds," seryosong sagot niya. I rolled my eyes at him bago ko siya tinalikuran. Seriously, why am I even talking to someone na takas sa mental?!

"Hindi ka man lang ba natawa dun?" tanong niya at hinabol ako.

Binilisan ko ang lakad ko pero patuloy pa rin siya sa paghabol sa akin. Nang di na ako nakatiis ay tumigil ako at hinarap siya. "Can you please leave me alone?" inis na utos ko.

"But I am your immunity. Kapag hindi mo ako kasama masasaktan ka."

"At ano naman iyon sa'yo? So what if masaktan ako?"

"You still don't get it? I like you," sagot niya. "And we're in a relationship in Facebook," dagdag pa niya.

Napahawak ako sa ulo ko. "Seriously, you like me? Oh c'mon! I'm pretty sure may iba pang dahilan," sabi ko.

"Fine," sagot niya. "Ayokong lumipat ka ng school dahil sa pambubully nila sa'yo."

Natawa ako sa narinig ko. So I figured out everything right? Lahat ng ito ay dahil sa gangster na 'yun? Dahil gusto niya 'kong lumipat ng school at nang sa gayon ay hindi na niya ako makikita? Wow.

"Know what? If this is what he wants, I'll play along with his games and I'll show him what he's looking for. I don't easily give up, you know. Kaya layuan mo na ako. I don't need your help," saad ko at tinalikuran ko siya.

"Of course you need me," pagpupumilit niya at saka humarang sa daraanan ko.

Napapikit ako ng mariin. "Fine, it's not you who need me but it's me who needs you. I need you, Summer."

"What?!"

"I know hindi mo ako maiintindihan kapag inexplain ko sa'yo but ikaw 'yung matagal ko nang hinihintay."

Napailing na lang ako. I know he wasn't serious. I know he's up to something. But I don't get it. Anong mapapala niya sa akin? Of all people, why me?

"Ah...Are you doing this for that gangster?" tanong ko.

"What do you mean?" kunot noong tanong niya.

"Tulad ng sinabi mo, when we first met, ngayon lang siya nakahanap ng katapat. 'Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo 'kong lumipat ng school?"

Bigla siyang natawa. "I didn't know you were that smart."

I rolled my eyes again. "So you want me to stay para bwisitin siya araw-araw, huh?"

Ngumiti siya ng malapad at napayuko. "I can't believe I'm already falling for someone I can never have," saad niya at saka ibinalik ang tingin sa akin. "Hindi ba pwedeng maging dalawa ka na lang?" tanong niya.

Natawa na lang ako ng pilit at saka nag-iwas ng tingin. "I don't know what your plans are but if you're playing games with me, sorry, I'm not interested, Storm. Naglalaro na ako sa laro ng gangster na 'yun. Ayoko na ng panibagong laro," saad ko.

Ngumiti siya ng pilit. "Then I guess I lost again," saad niya. "Alright, I'll let you play on your own. Pero tandaan mo, nasa paligid lang ako. After all, hindi ka pa rin mag-isa," pagkasabi niya noon ay tinalikuran na niya ako.

Saktong pagtalikod niya sa akin ay ang pagbuhos ng malamig na tubig mula sa itaas. And the game has started again. Pupunasan ko sana ang sarili ko pero nagulat ako nang may isa pang bumuhos sa akin. Sh*t. Yeah, binuhusan nila ako ng sh*t. Literal na sh*t. Halos masuka ako sa ginawa nila sa akin. Good thing may awa pa sila at binuhusan nila ulit ako ng tubig that washed off half of the sh*t.

Naririnig ko ang tawanan nila pero walang katao-tao sa baba. Mukhang nasa itaas silang lahat at ayaw maamoy kung gaano kabaho ang ibinuhos nila sa akin.

Tila isa akong robot na naglakad papuntang locker room. Dumiretso ako sa paliguan at doon nilinisan ang sarili ko. Halos masuka-suka ako habang naliligo. I just can't believe na kaya nilang gawin iyon.

Nang matapos akong maligo, someone took the towel naman. Hindi pwedeng lumabas ako ng hubo't hubad upang kunin ang reserba kong damit na P.E. uniform. Tiningnan ko ang hinubad kong uniform na may kaunti pang sh*t. Mukhang kailangan kong labhan ang mga iyon para maisuot ko uli. Mabuti na lang at may sabon dito.

Matapos ang ilang oras kong pamamalagi sa banyo ay nawala na rin naman ang mabahong amoy na kanina'y nakadikit sa akin. Lumabas ako ng banyo at napakagaling nga naman talaga nilang mambully. Kinuha nila ang reserbang uniform ko. Wow. Just wow.

So I really have no choice kung hindi ang umuwi ng basa? But I won't let that happen. Mag-aalala na naman sina Mama kapag nakita nila ako sa ganitong kundisyon. Napabuntong hininga ako at minabuti nang lumabas na ng locker room. Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago nagsimulang naglakad palabas.

I guess wala namang lalapit sa akin dahil sa itchura ko.

Paglabas ko ng school ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Who cares, right? I'm used to it. Binilisan ko na lang ang paglalakad. No. Dapat bagalan ko lang. Kailangang matuyo ako bago ako makarating sa bahay. Mama will surely get worried and fuming mad at me. Hindi ko na kayang bigyan pa siya ng sobrang alalahanin.

Tatawid na sana ako ng kalsada pero laking gulat ko nang biglang may sumulpot na mabilis na sasakyan. Hindi ko magawang maisip kung ano ang dapat kong gawin. Naramdaman ko na lang na may humila sa akin.

Pagkahila sa akin ay agad akong napaupo sa sahig.

"Are you really that careless?"

Napatingala ako at nakita ko ang gangster na cursing machine. May inilabas siyang alcohol sa bulsa niya agad niyang binuhusan ang kamay niya. Nakakainsulto.

Inis akong tumayo bago ako nagsalita. "So ganyan ka diring-diring hawakan ako?" Hindi siya umimik. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "So ano, nag-eenjoy ka ba habang pinapanuod silang pinapahirapan ako?"

Umiwas siya ng tingin at isinuksok sa bulsa ang mga kamay niya. "I warned you, didn't I?"

Natawa ako ng pilit sa naging sagot niya.

"Fine," sabi ko. "Ayaw mo na akong makita, 'di ba? Fine. Lilipat na ako ng school. Happy?" inis na tanong ko.

Kaagad siyang napatingin sa akin. I really want to slap his face but I can't. I don't hurt people. Kapag sinampal ko siya, magiging katulad na nila ako. At hindi ako bully. Tinalikuran ko na siya bago pa ko makagawa nang hindi maganda pero saglit akong tumigil at hinarap siya.

"By the way, damn you, gangster."

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon