I LOVED YOU SECOND

201 6 3
                                    

Kanina, nanaginip ako.

Nasa mcdo daw ako at kasama ang aking dalawang kaibigan. Kung tatanungin mo sa akin kung sino sila, hindi mo din sila makikilala. Kung ako nga, hindi ko maalala, ikaw pa kaya? HAHAHAHA.

Dalawa silang lalake. Ibig sabihin, tatlo kaming lalake. Nandoon kami para kumain - na medyo kakaiba para sa amin dahil karaniwan lang naman kaming nakatambay dito. Bibili kami ng fries at may upuan na kami. At aircon pa!

But this time, it's different. Kakaiba talaga na naging dahilan kung bakit nag-english pa ako sa unang pangungusap ng aking talata. Kumakain kami ng chicken... fillet. Mahal yung chicken mcdo eh. Tapos bigla na lang lumapit sa akin yung isang babaeng employee ng mcdo. Bigla niya akong tinanong,

"Sir, extra rice?"

Huh? Diba sa Mang Inasal yun? Pero kakasabi ko lang na nasa mcdo ako.... Hmmm. Pati ako naguguluhan na sa panaginip ko.

Tumango na lang ako kay ate kasi baka promo nila yun.

Pagbalik ni ate, dala niya yung extra rice ko.

"Sir, 16 pesos po yan."

HYAAAAHHH? Akala ko unli rice...

Pero dahil panaginip ito, wala ako gaanong maramdaman na emosyon. Gumaya sa akin yung dalawa kong kaibigan, nagextra rice din. ABA ABA ABA. PARAMIHAN BA? HAH.

Nakarami din kami. Pabalik-balik si ate sa table namin.

Nang nabusog na kami, lumapit si ate sa amin.

"Sir, pwede po ba namin makuha yung pangalan niyo?"

Binigay ko naman.

"Sir, maghintay lang po kayo dito. Kapag nilapitan po kayo ng isang lalake, sabihin niyo po 'I'm the One.'"

Hindi ko talaga maintindihan. Sana may makapag-interpret sa akin nito. But in the meantime, let me finish my story.

Naghintay kami. Iniisip ko na may prize kami kasi nakadami kami ng extra rice sa mcdo. Iniisip ko na darating Jessy Mendiola sa mcdo tapos hihingi din ng extra rice.  Pero promise talaga. PRAMIS. ETO TALAGA INIISIP KO. HAHAHAHAHA. Kaya siguro hindi ko ito agad nakalimutan.

Ohhhh. Jessy! :"> Grabe kinikilig na kooooooo!

Ayun yung inaasahan naming tatlo. Tapos may bigla lumapit na lalake sa amin. Kaya bago pa lang siya makalapit sa amin, sinigaw ko na agad.

"I'M THE ONE!"

Deym! I'm soooo keeeewwwl.

At dahil panaginip yun, hindi ko na maalala kung ano man ang naging reakson ng mga nakarinig. Pati na din yung mga kaibigan ko. Pagkalapit sa akin ng lalaki, bumulong siya sa akin,

"Sumunod kayo sa akin. Gawin niyong parang normal lang. Kunwari wala lang."

Excited kaming makita si Jessy kaya sumunod kami agad sa kanya. Pumasok kami sa isang pinto na parang backroom sa mcdo. Dirediretso kami hanggang sa may pinto ulit at may guard.

Tumigil yung lalakeng sinusundan namin at sumenyas sa guard. Yung guard namin may inilabas na dalawang kahon mula sa isang bag at ibinigay sa amin. Nagsalita siya,

"Sige. Itago niyo na yan at lumabas kayo sa pintuan na parang normal na tao."

Lumabas kami at nakaalis na. Binuksan namin yung dalawang kahon at nakakita kami ng dalawang iPad.

WEH? iPad? DI NGA? 

Oo. Hindi talaga ako makapaniwala. Para kaming magnanakaw dahil sa mga ngiti namin. Yun nga lang ang hindi ko talaga maintindihan, BAKIT DALAWA LANG? BAKEEEEEEEEEEET? TSAKA SI JESSY? NASAN NA SIYA? 

I LOVED YOU SECONDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon