(Oneshot) "Ilista Mo Ulit Ako"

84.2K 2.9K 1.1K
                                    

Oneshot: "Ilista Mo Ulit Ako"

("Bakit Mo Ako Nilista?" PART II)

 © Filipina Wattpad 2013

(Read "Bakit Mo Ako Nilista?" first before reading.)

-

"Oi Princess" - tawag sa'kin ni Maja

"Kanina ka pang tingin ng tingin kung saan-saan. May hinahanap ka ba?" - dagdag n'ya

Napatingin ako kay Maja, na kapatid bahay namin, at napaayos ng buhok, "Huh? Wala... Kinakabahan lang kasi"

"Chillax. Alam kong takot ka sa maraming tao and all. Pero Princess, first year din ako at medyo nahihilo din ako sa bagong environment ng school na ito. Halika nga at tabihan mo ako. Baka di tayo magkakitaan. Nakakatakot." - Maja

Napatawa ako kay Maja kaya nilapitan ko s'ya. Inayos ko yung pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko, "Woosh! Malapit na first class ko Maja! Natatakot ako"

"Meh! 10am pa class ko tapos sinamahan pa kita para dito sa 7am class mo kaya h'wag kang ma-timang huh!" - Maja

Huminga muna ako para ilabas yung kaba ko, "Bakit kasi di tayo magkaklase? Kahit isang subject lang? Aish! Sino na lang ang kakausapin ko?"

Nakita ko naman s'yang napangiti kaya napanguso ako, "Magbagong buhay ka na Princess ha? Imik imik din pag may time! Kaya mo yan!"

Napatingin ako sa orasan,

"Maja, 6:30 na!!!" - may paghawak pa sa braso at pagtalon na sabi ko para mawala kaba ko

"Hoy wag ka ngang ganyan. College na tayo te" - Maja

Tinigil ko yung pagtalon ko at inalis yung paghawak ko sa kanya atsaka nag crossed ng arms. Hindi ko naman napigilang mapabuntong hininga.

"Saan kaya pumasok at anong course kaya ni Ervin?" - mahina kong sabi

"Ay ayon. Kaya naman pala parang electric fan kung maka-ikot yang ulo mo. Gosh!" - Maja

"Sorry naman... Umaasa lang naman akong makikita ko ulit s'ya" - Ako

"Drama mo. Hm, baka nga? Loyal yun sa school na to eh" - Maja

Hays... Kung hindi sana lumipat ng trabaho si Papa, baka dito rin sa school na ito (kung san ako nag elementary) ako patuloy na pumapasok. Pero ganun e, nagtransfer ako ng school nung Grade 6.

Ni hindi ko man lang nakita si Ervin bago ako umalis eh... Ngayon, I wonder... May girlfriend kaya s'ya? Kung meron, naka-ilan kaya s'ya?

(Oneshot) "Ilista Mo Ulit Ako"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon