Eternity Gonzalez
Royal Astra and The Roses
Series
Unreachable Star
© 2011
This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.
Copyright © 2011
All rights reserved.
Paano kung isang araw may mag-confess sa'yo na mahal ka nya tapos bigla ka na lang tatalikuran at iiwan at di magpapakita sa'yo nang mahabang panahon?
Then habang wala sya, narealize mo na mahal mo sya.
Then bigla na lang syang babalik at hindi ka na nya kilala?
Anong gagawin mo?
Panghahawakan mo pa ba ang salitang I love you, now and forever?
Ang pangako nyang Forever and Always, tayong dalawa lang?
Royal Astra and The Roses: Unreachable Star
-Prologue-
“Ang kulit mo din ano” sabi ko sa lalaking kausap ko, si Charles Angeles. College barkada ko, well di ko talaga barkada, napalapit lang ako sa group nya dahil sa bestfriend kong si Reina na naging girlfriend ng leader ng group nila, ang Royal Astra, sa totoo lang , ayoko sa grupo na yun, ang yayabang kasi, kala mo kung sinong gwapo at mayaman…. Haha, well totoo namang mga gwaping at mayayaman ang mga yun. Pero nang dahil kay Reina nakilala ko ang totoong Royal Astra, at ang ugok na si Charles lagi akong napagti-tripan…tawagin ba naman akong babes at gawing date sa kung saan-saang event…e di naman kami noh, at isa pa sya ang pinakaplayboy sa buong grupo… kaya ayun halos buong college life ko, may nasasapak ako, nahahampas ng book at nababara… haist, siguradong mamimiss ko to…. Hindi si Charles no, kundi ang college life… Graduation nga pala namin bukas… haha
“Val naman eh, last na to… promise.” Sabi ni Charles na seryoso ang mukha, himala… kelan pa nagmukhang serious tong si Charles, pero infairness, mas gwaping yung laging tumatawa na version ni Charles, *thump thump* kinakabahan ako ah… parang may di magandang balita ang ugok na to.
“Valerie Herrera, makinig ka nga… last na to.” Hala parang nagalit pa ata.
“Ikaw lang ang babaeng di tinatalaban ng charms ko…”
“syempre, ako pa..” sabat ko. Nang-iinis lang. Ang cute kasi nito pag naiinis.
“Valerie, patapusin mo muna ako… importante to,” kinagat ko na lang yung lower lip ko, nakakatakot mukha ni Charles, parang bad omen.
“Ikaw lang ang babaeng may lakas ng loob na ipahiya ang gwapo kong mukha sa buong mundo, pero hindi ako nagagalit sa’yo o kung anuman, I found it endearing, Valerie Herrera, I love you now and forever.”
*heartbeat*
*heartbeat*
*heartbeat*
Di ako makasagot, mas malaki pa ata ang mata ko kaysa sa mata ng kwago, nakatingin lang sya saken at umiiyak na sya, ano ba dapat kong isagot? yumuko na lang ako, di ko matingnan hitsura nya, nakaka-awa, painful ang expression. May dinadamdam ba ‘to? Tapos bigla na lang syang tumalikod at umalis…
Anong klaseng confession yun? bigla na lang akong iniwan… NAMAN!!!
-Chapter 1-
New Client
Three years after…
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists