CHAPTER 28 third day isn't the last day part 1

99.9K 989 95
                                    

A/N: padami ng padami ang Reads!! \(^o^)/

Pero ang Votes ganun pa din.. Hayyyyy KATAMAD tuloy mag update.. YoY

" Manong malayo pa po ba ang Lucille Port? " tanong ni Jin sa nadaanang matandang lalaki,,

" Naku iho mga 150 kilometro pa... Diretyohin mo lang itong main road,, " sabi ng manong...

" ah ganun po ba.. Sige ho salamat.. " muli ay inistart ni Jin ang BigBike na nabili nya kanina lang sa isa sa mga Bikers na nagstop over sa gas station.. mabuti na lamang at pumayag yung may ari na mabili iyon ni Jin sa Halagang 250 Thousand Pesos.. eh kung tutuusin sobra sobra talaga yun dahil ang market value lang naman ng BigBike na iyon ay 55k-85k at 200cc lang iyon.. kumpara sa 1000cc na MV AGUSTA ni Aisha.. hamak na sobrang bilis ng BigBike ni Aisha!! Pero hinayaan na lamang ni Jin na masilaw sa halagang ibinayad nya yung may ari nun para lang may magamit syang sasakyan papunta sa Lucille Port.. Hindi nya alintana ang maya mayang pag ulan habang tinatahak nya ang Daan nang sa wakas ay marating nya ang Port.. Yun nga lang ay gabi na at hindi raw maaring maglayag ang Pribadong Yate na aarkilahin sana nya patungo sa Isla dahil sa sama ng panahon.. minabuti na lamang din ni Jin na magpalipas ng gabi sa nadaanan nyang Pension House,,,

.......

.......

.......

Hindi na namalayan ni Knight na umaga na pala.. masyadong napako ang mga mata nya sa natutulog na si Aisha,, Gusto nyang saktan ang sarili nya sa nagawa nya sa dalaga kahit pa hindi iyon natuloy ay natakot nya ito... Hindi na din sya nakatulog sa pagbabantay dito, Patuloy kasi si Aisha sa Pagiyak kagabi kahit tulog ito ay iyak parin sya ng iyak, Nanaghinip siguro.. Laking pasalamat ni Knight ng tuluyan itong mahimbing...

....

....

....

Pabalik balik kay Aisha ang mga anino ng nakaraan... Mga pangyayaring ayaw na nyang balikan.. Pero ngayon ay minumulto sya nito maging sa pagtulog...

Maganda ang panahon noong araw na iyon,,, Tahimik lamang na naglalaro ang walong taon na si Aisha sa dalampasigan.. gumagawa sya ng sand castle sa puting buhangin.. Wala noon ang ama nya may inasikaso ito kaya naman ang yaya lang nya ang naiwan sa kanya.. ang Yaya nya na si Ate Gia..

" Yesha!.... " tawag nito sa kanya..

" Bakit po ate Gia?!! " sagot ng batang si Aisha..

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon