TANG..... MO!!!(Short Story)

22.7K 693 88
                                    

A/N May kausap kasi ako nun na puro halos mura. Tapos ayan...biglang sumulpot na parang kabute sa utak ko yung plot. Hope you enjoy this short story kahit na medyo sandamakmak ang bad words. 

 Credits to Sweet Serendipity for the cover. Got this picture from her tumblr account :)

*****

"Ay sh!t. dude naman, bakit naman kasi di mismo sa mukha niya sinipa? Kung ako yun baka namaga na mukha nun. F*ck talaga, sarap bangasan nun ni Justin." pagpasok na pagpasok palang nya sa room, yung napakalakas nyang boses at walang tigil na pagmumura ang umaalingasaw.

 Malalaman mo talaga pag dumating na sya eh, dumarating na yung 'cussing machine' ng room namin. Matatatadtad nanaman kami ng mura nito hanggang mamaya.

"Dude kasi, nandun si Coach kanina, malamang naman pakabait ako." sagot naman ni Seth na kausap niya.

"Eh g@go kasi, he is hurting you on purpose ng dahil sa girlfriend mo na si Cathy ngayon. Halatang bitter yung siraulong yun." naupo siya sa tabi ko kaya naman mas lalo akong narindi sa paligid ko. Hello? magmumura nalang kasi parang wala sa school. This is the reason kaya mas gusto ko kapag Literature subject namin dahil di ko siya katabi. Ligtas ako sa malulutong nyang mura.

"Hi Ate Eunice,good morning." bati sakin ni Seth. Tumango lang ako at balik sa pamimili ng kanta sa Ipod ko.

"Tignan mo si Seth pinapansin mo tapos ako ni hindi ka man lang tumingin. Anak ng....talaga naman Eunice oh." nye nye nye wala akong naririnig. Tinanggal nya yung ear phones ko at saka iniharap yung upuan ko sa kanya. Ay talaga naman.. 

"Problema mo San Juan?" nakakunot noo kong tanong sa kanya habang pinipigilan yung sarili kong suntukin siya. Aga aga trip na naman nya akong asarin?

"Kanina pa ko dumating dito Eunice, wala man lang good morning?" eww yuck yuck pweh! ngumiti pa ang mokong, Kala nya cute siya,please.

"So?" nag cross arms pa ako.

"So ka dyan?tatakbo kang Student Council 'di ba? You need my help Nissy." nag wink pa talaga sa akin ang nakakakilabot na taong ito. Really, I want to puke at his face, nakakasura yung pagpapacute niya.

"Please Matthew, di ko ginagamit kasikatan ng mga kaibigan ko para lang manalo for this year's election. At pwede ba? Ilayo mo yang pawisin mong mukha.! Magpalit nga muna kayo ni Seth ng damit at ang babaho niyo. Aircon pa ang room, magpalit na kayo, hala dali!." soccer player kasi silang dalawa ni Seth. And the way I see it, kakatapos lang ng practice nila.

And yes, you heard it right, friend ko ang cussing machine na ito. Wala eh, naging close kasi sila ni Seth na pinsan ko. Isang taon lang naman ang tanda ko sa pinsan ko pero Ate pa din tawag nya sa akin.

"Oo na lola, pakshet para kang si Nanay Ising, Eunice. Pwede mo na kami basahan ng mga alamat hahahaha, t@ng !na lola." hinawakan pa nya ang tyan nya dahil sa sobrang pagtawa.

"Hoy Matthew, anong sabi ko sa'yo tungkol dyan?Bwisit ka ha!." sinamaan ko sya ng tingin.

"Ay oo nga pala sorry, bawal pala magmura pag kausap kita. Pero Eunice?" biglang pagseseryoso ng mukha niya.

"Ano?" 

"Tang--- aray! masakit yon!" sinampal ko sa kanya ang book na hawak ko bago pa nya ituloy sasabihin niya. Bwisit talaga.

"BAD TRIP KA EH. ILANG BESES KO BA KAILANGAN IPAALALA NA WAG MO KONG MUMURAHIN HA?BWISIT! MAKAALIS NA NGA MUNA.."  padabog ko inayos ang gamit ko at pagtapos ay sinipa ang upuan nya. Dumiretso ako palabas ng room para makahinga naman kahit papaano ng kaunting hangin. Naiinis talaga ako!

TANG..... MO!!!(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon