Chapter 3: Breaking up

3.1M 69.2K 25.9K
                                    

CANDICE

Apat na oras na akong naglalakad. Kung saan ako papunta? Hindi ko alam. Wala na ako sa sarili ko dahil sa sobrang pag-iisip ko sa kanya. Kahit anong gawin ko, siya at siya lang 'yong naiisip ko.

Nabalot na lang ako ng kalungkutan no'ng napansin ko na nasa isang park na pala ako. 'Yong park na palagi naming pinupuntahan. 'Yong park na nagpapaalala sa 'kin ng maraming masasayang alaala namin.

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa dalawang bata na nasa harap ko.

"Ice cream ko 'yan ah!"

"Pahingi lang, Karl, e. Ang damot mo naman."

"Sige na nga. Kiss mo muna ako?"

"Ayoko nga! Behlat!" Pagkatapos no'n, naghabulan na lang silang dalawa.

Parang ako at si Jeydon lang. Napangiti ako pero unti-unti rin akong naiiyak. Naalala ko 'yong mga panahon na magkasama pa kami rito sa lugar na 'to.

Jeydon, bakit gano'n? Kapag iniisip kita, naiisip ko kung gaano kita kamahal. Umupo ako sa gilid ng basketball court. Pinatong ko sa mga tuhod ko 'yong ulo ko tsaka ko hinayaan 'yong sarili ko na umiyak. Jeydon, mahal na mahal kita... Mahal mo rin naman ako, 'di ba?

Hindi pa man niya tinatapos 'yong relasyon namin pero sobrang sakit na 'yong nararamdaman ko. Paano na lang kapag mismong nasa harap ko na siya at tatapusin na niya ang lahat sa 'min? Makakaya ko ba? Kaya ko bang mawala na siya sa buhay ko?

Sana isa na lang ulit 'tong panaginip. Isang bangungot. Sana magising na ko kasi ayoko na rito.

Tumunog bigla 'yong cellphone ko. Kinuha ko siya at nakatingin lang ako sa screen ng phone ko. Ang labo na ng paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko. No'ng nakita ko kung sino 'yong tumatawag sa 'kin, mas lalo akong naiyak.

Doraemon<3 is calling...

Dati, kapag nakikita ko 'yong pangalan niya na tumatawag sa 'kin, natutuwa ako. Pero ngayon, nalulungkot ako at natatakot. Paano kapag sinagot ko siya at bigla niyang sabihin sa 'kin na tapos na ang lahat sa 'min? Hindi ko pa kaya... Hindi pa ako handa.

"Ilang minuto pa, Jeydon... Bigyan mo pa ako ng konting oras..."

Ilang minuto 'yong lumipas pero nakikita ko pa ring tumatawag siya sa 'kin.

"Konti na lang. Ihahanda ko lang 'yong sarili ko."

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawag sa 'kin. Gano'n mo na ba kagustong tapusin ang lahat sa 'tin, Jeydon? Konting oras lang naman 'yong hinihingi ko e.

Ang tanga mo, Candice. Tama na. Kahit anong gawin mo, iiwan at iiwan ka pa rin niya.

Huminga muna ako nang malalim bago ko sinagot 'yong tawag niya.

"He-hello?"

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siya, tahimik kaming dalawa. Pinipigilan kong umiyak kasi ayokong marinig niya ako na umiiyak. Ayokong umiyak kahit ang sakit-sakit na.

"Candice..."

Kahit anong pagpipigil 'yong gawin ko, kusa pa ring pumatak 'yong mga luha sa mata ko. Ilang araw pa lang kaming hindi nag-uusap pero sobrang na-miss ko na 'yong boses niya. Jeydon, miss na kita. Miss na miss na kita.

"We need to talk."

Sa tagal namin na hindi nagkita at nag-usap, 'yan lang ba 'yong sasabihin niya? Hindi niya man lang ba sasabihin na na-miss niya ako? Parang wala na akong halaga sa kanya.

Jeydon, mahal mo pa ba ako?

"Ano... importante ba yan?"

"Yes, it is."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon