Trigger 04 - Almost

14.7K 243 6
                                    

[Edited Ver.]


Almost



Joseph's PoV :

I am on my 2nd can of beer pero imbes na mag-enjoy ako sa pag-inom ay namimilipit ang tiyan ko sa sakit at parang nahihirapan pa akong i-straight ang likod ko kaya ilang curses at mura na ang nasabi ko sa babaeng iyon sa isip ko. Sobrang perwisyo nito kaya talagang magbabayad siya.

After I drink my beer, I heard a sudden noise coming from the outside. I expected na sina Xander at Renz ang dumating pero mali ako dahil isang lalaki ang pumasok sa kwarto na talagang mas namo-mroblema pa kesa sa 'kin. He looked at my direction and I saw his forehead knotted, maybe because of my situation or my stance.

Joseph: "Yo! You wanna drink?"

???: "Nah. What happened to you?"

Joseph: "Wala. May dumale lang sa 'kin. Ikaw kamusta na paghahanap?"

???: "Still no progress. Nawawalan na nga ako ng pag-asa pero may nag-uudyok pa rin sa akin na ipagpatuloy kahit na parang.. tsk. Ayokong isipin iyong masamang bagay na iyon e. 

Inakbayan ko siya at sabay pa kaming uminom ng beer-in-can na kinuha niya sa mini-ref ko. Siya nga pala ang isa pang miyembro ng REG, at ang second-in-command ko, Si Pete Johanne Meyer. Though he's older than me by a year and two years from the other two. Natapos na rin siya kesa sa amin sa pag-aaral at kasalukuyang tumutulong sa business ng pamilya niya despite his age, 19, he's a promising business man already. 

I heard him sighed again and again, because he has a problem. Not in terms with the business but it has something to do with his family. Like me, his life was also fucked up but definitely not as I do. Nawawala kasi ang kapatid niyang babae na ang pangalan ay 'Clementine' at apat na taon niya nang ipinahahanap ito. 

Kaya nga nasabi kong problemado rin iyan e kaya hindi masyadong nakakatambay dito. Pero kahit na ganyan na problemado, nakakasama pa rin siya kapag may laban ang REG. He's a good friend.

Joseph: "'Wag mong isipin iyan p're. Maniwala ka sa itaas. Oo ganito man ako pero naniniwala ako sa kanya, p're. You should, too."

Pete: "Thanks Joseph, I appreciate that. Maiba lang tayo, sino naman ang dumale sa'yo? Mukhang malakas iyan ah. You got it bad, dude." 

Joseph: "I am! And that's because of a fuckin' girl."

Nanlalaki ang mga matang lumingon siya sa akin. Hindi ko siya masisisi, ngayon lang may pumatol sa akin sa sarili kong teritoryo at ang masakit pa doon, BABAE pa.

Pete: "A girl?! Pare, nagpatalo ka.. babae?! Seriously?"

Joseph: "Do I look like i'm fuckin' joking?! Tsk! Kaya nga pinahahanap ko ang impormasyon ng babaeng iyon para makaganti ako agad. Hindi pwedeng iwan ko siyang nagsasaya. Bibigyan ko siya ng school year na hindi niya makakalimutan."

Pete: "Sigurado ka gaganti ka?"

Joseph: "Oo! Hindi pa ba halata?!"

Pete: "Gaganti ka sa kalagayan mong iyan? Kaya mo? E para ka na ngang matandang uugod-ugod dyan e."

Joseph: "Ulol! Lumayas ka na nga! Tsk."

Tatawa pa ang gago, tsk. Sana mabilaukan siya dyan bwiset.

Pagkatapos naming magbangayan ay parehas rin kaming natahimik at sumimsim nalang ng beer at parang gago rin na sabay kaming napabuntong-hininga. Parehas problemado lang. 

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon