ANG TULA NA WALANG PAMAGAT

1.1K 25 51
                                    

Babasahin mo ba ang tula kung ito ay walang pamagat?

Bibigyang pansin ba, tulad ng 'sang libro na walang pabalat?

Ang nilalaman ba ay makasisiya at makakasapat

Upang ang paksa ay mabigyan ng buhay at maisiwalat.

Ikaw ba ay tulad ng tula na walang magandang pamagat?

Na makukumpara sa isang babae na hubo at hubad (mtrcb warning)

Sa isang binata na walang pangarap mahahalintulad

Wala kang direksyon, at malabong daan ang yong tinatahak.

Pagsumikapan mong ang tula ng buhay ay bigyan ng pansin

Minsay maliligaw, minsay malilito ngunit mahahanap din

Pamagat na akma, tunay na babagay sa yong lathalain

Pagkakakilanlan, at isang pangngalang may saysay at dating.

Salamat sa pagbabasa.. pavote naman kung nagustuhan mo..

Comment ka na rin para masaya.. hehe.. salamat ulit.

Nagmamahal,

TheFrustratedPoet

ANG TULA NA WALANG PAMAGATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon