OS #4

23.1K 611 11
                                    

V.
Time Machine

INTRAMURALS namin ngayon. Nagbibihis na kami ng P.E uniform para rito. Nagklase muna kasi ng homeroom for thirty minutes bago nagdismiss.

"Anong lalaruin niyo? Badminton ako." Tanong ko sakanila habang sinisintas 'yong sapatos ko.

"Basketball."

"Badminton din."

"Pingpong ako."

Tumango-tango naman ako bago tumayo at tumalon-talon para ihanda 'yong mga paa ko sa laro mamaya.

"Ba't ka ba sumali diyan sa badminton, ha? Dahil passion mo ng badminton o dahil kay Mia?" Nang-aasar na tanong ng kaibigan ko sa'kin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Siyempre, dahil passion ko ang badminton! Ano ba namang klaseng tanong 'yan?"

Nagkatinginan sila ng nakakaloko. "Mukha mo! Akala mo naman hindi halatang gusto mo na rin ang isang 'yon." Ngingisi-ngising sabi naman no'ng isa.

"'Yan kasi. Tama ang sinasabi nilang nasa huli ang pagsisisi." Gatong pa no'ng isa.

"Mag uusap na lang ba tayo rito? Hindi na tayo maglalaro?" Pag iiba ko ng usapan. Lalakas manggisa, e.

"Change topic?" Natatawang sabi nila sabay lakad na papuntang field at sumunod naman kami.

Sa field kasi nakatoka 'yong mga larong sasalihan namin. Sa AVR naman 'yong mga laro na maliit na space lang ang magagamit, katulad ng chess.

"Pre, si Mia mo." Pangangasar no'ng isa kong tropa na siyang nagpalingon sa'kin kung sa'n siya nakaturo.

Damn. Ang ganda niya talaga. Simple pero elegante. Maikli ang buhok at medyo singkit. Hindi katangusan ang ilong pero hindi pango. Suot niya ang P.E uniform namin at nagba-badminton siya.

"Pre, laway mo."

Natauhan naman ako no'ng nagsalita 'yong isa kong tropa at marahas siyang binato ng shuttlecock. "Gago."

"Punta na ro'n. Para naman makalaro mo na 'yong mahal mo." Natatawang sabi no'ng isa pa na binato 'yong shuttlecock sa'kin pabalik. Sinalo ko naman 'yon.

"Tantanan niyo 'ko. Magsipunta na nga rin kayo sa mga pwesto niyo." Naiinis kong sabi at tinalikuran sila. Rinig mula rito 'yong pang-asar nilang tawa, napailing na lang ako.

"Oh. Nandiyan ka na pala, Rue!" Sigaw no'ng isang player.

"Nandito ka na kaagad? Hindi ka man lang sumabay sa'min?" Kunwareng naghihinanakit na sabi ko.

"Drama mo. Pasensya na, na-excite akong magbadminton." Nagtawanan na lang kami.

Napatingin naman ako sa banda ni Mia, nakatingin siya sa'kin. Siya ang unang nag-iwas ng tingin.

MVP siya sa larangan ng badminton sa Women's. At ako sa Men's. Meant to be na ba?

Hindi kami magkaibigan, but we're not totally strangers either.

May tawag ba sa relasyon ng taong umamin at taong nang-reject? Kung meron, 'yon kami.

Naalala ko no'ng nagtapat siya sa'kin. At pinagsisisihan ko 'yong ginawa ko no'ng araw na 'yon.

* * *

BREAK time. Naglalakad kami ng mga tropa ko papuntang cafeteria. Nagtatawanan kami dahil sa biro no'ng isa. Nang biglang may humarang sa dinadaanan namin.

Si Mia.

Noon, napapansin ko na siya. Sa totoo lang, isa siya sa mga magagandang nakilala ko. At kaunti lang sila.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon