This is my first story here in wattpad :D please support me :D
This is my Introduction of this story :D
NOTE: I don't own anything here except for my story. The pictures are not mine. Everything here is just a part of my imagination :D Try reading first the whole story, kala niyo lang madrama pero hindi talaga. Haha :D
Please VOTE, COMMENT and be my FAN. Please para naman mas nakaka-inspired gumawa ng story. Thanks for supporting me. I love u all :D
♥♥♥----♥♥♥----♥♥♥
Matagal-tagal na ring nabubuhay akong mag-isa sa mundong ito.
Tama mag-isa. Walang ina. Umalis sa poder ng aking Ama.
Sa madaling sabi’y LOVELESS.
Walang magmamahal at walang mamahalin.
ISANG CERTIFIED MAN-HATER.
Namuhay sa sariling mga paa at kinalimutan ang kung ano mang masasalimuot na pangyayari sa aking nakaraan.
Hanggang sa unti-unting nagsimulang imulat ang aking sarili sa pangit na mukha ng mundo.
Sampung taong gulang pa lamang ako noon nang iparamdam sa akin ng mundo ang masaktan. Maagang nag-asawa ang aking ina at ama at ako nga ang naging bunga. Nagsama sila ng labing-dalawang taon ng di pagkakasunduan. Lahat ng iyon ay nasaksihan ko, kung paano sinasaktan ng aking walang hiyang ama ang aking martir na ina. Nakita ko ang lahat ng kanyang paghihirap hanggang sa ako’y kanyang iwanan. Oo, pumanaw ang aking ina dahil sa lalaking iyon na hindi ko kayang kilalaning aking ama. Kinuha niya ako at inuwi sa kanyang pamilya pero hindi ko gusto dun dahil sa nasa mataas na estado ng buhay sila ay tingin nila sa aki’y isang bangaw na palipad-lipad lang.
Lumayas ako at hindi para mag-rebelde kundi para hanapin ang totoong katayuan ko sa mundong ito. Nagrenta ako ng maliit na bahay at pumasok ng trabaho sa kalapit na bookstrore doon. Hindi naman naging mahirap dahil mahilig akong magbasa at sa katunayan ay isa akong matalinong babae kaya nga ako’y isang iskolar.
Weekends lang ang trabaho ko dahil kailangan kong pumasok at mag-aral. Pursigido ako dahil ayaw kong matulad sa aking ina na inapi lamang ng aking walang hiyang ama.
Siguro’y kailangan ko ng lumimot tutal naman at matagal na rin yon, sa katunayan nga’y labing-walo na ako ngayon. Kakalimutan ko na iyon kelangan ng mag-move on and to let go of that past ..
Pero hindi ko inakalang kasabay pala nang paglimot na iyon ay ang pagkalimot ko ring ngumiti at matinding galit sa mga kalahi ng aking ama. Na akala ko’y hindi na ako muling tatawa pa..
Hanggang sa nakilala kita … Ano bang meron sa iyo at nagawa mo akong pasayahin ?
♥♥♥----♥♥♥----♥♥♥
Please proceed to chapter 1. Thank you :D mwaah mwaah chup chup :D
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists