Thirty One

204K 2.6K 123
                                    

 31

SPG Ahead.

MAIAH

Natapos ang breakfast, at pareho kaming humarap sa sari-sarili naming laptop pag-akyat namin ng kwarto.

Pero makulit talaga ang boyfriend ko. Pinipilit kong doon gumawa sa kama ko dahil distracted ako sa topless niyang katawan at kung ano-ano na namang naiisip ko lalo na't bagong shower pa lang ang loko at ang bango-bango. Pero heto, dikit ng dikit sakin, at sumampa din sa kama ko, sumandal sa headboard, at tumabi sakin saka nagsimulang magtrabaho at magcheck ng status ng mga hawak nilang business.

"Bakit ba kasi dito ka pa tumabi? Sabi ko dun ka sa kama mo. Ang sikip na tuloy!" kunwa'y reklamo ko. I'm trying really hard not to give a glimpse on his goddamn 6 pack abs that can actually make you sweat by just staring at them.

"Ano bang problema? Tatabi lang naman ako. Gusto ko sa tabi mo. Naligo na nga ako, o. Siguro naman, hindi na ako mabaho, di ba?" kunot-noo niyang sabi.

Yun na nga ang problema. Feeling ko, ayoko ng magtrabaho dahil katabi kita at gusto ko na lang matulog habang yakap ka.

Oh my God, Maiah! When did you start being unproductive? Simula lang ng maging kayo ni Kyle, kung ano-ano ng dumadapo sa isip mo. Nilulumot na ang isip mo!

Pero hindi ko naman siguro kasalanan kung, nagkaroon ako ng oh so hot boyfriend, ano? Nakakalumot kasi talaga siya ng utak.

"Eh ako, hindi pa naliligo. Kaya ako ang mabaho. Dun ka na kasi." pagtataboy ko pa rin habang hindi ko na alam kung ano ng gagawin ko sa pagreresearch.

Diyos ko, Kyle! Ano bang ginagawa mo sakin at parang nawawala na ako sa wisyo?

Ngumisi siya at nalingon ako. "Walang problema kung di ka pa naliligo. But if you want, I'm willing to bathe you, babe." He naughtily offered.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Pambihirang lalaki to.

"Ayaw mong magpaligo sakin? Magaling kaya akong magpaligo!" at tumawa pa.

"Hey! Alam ko namang ginagawa mo din yan sa mga ex mo!" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.

"Ha? Oh bakit naman napunta dun? Tsaka hindi ko pinapaliguan mga ex ko no. Ikaw nga lang ino-offeran ko, kaso ayaw mo naman." defensive na sabi niya.

Napangiti ako ng lihim sa sinabi niya. I hope that's true, because I'm believing him. 

"Anyway Kyle, gaano kayaman yung, yung e-ex mo, si Kate?" wala sa loob na tanong ko.

Nacu-curious talaga kasi ako sa babaeng yun. There's really something I wanted to know about her. And I don't know why.

Natingnan ako ni Kyle. "Seriously, babe? Why asking for my ex, all of a sudden? Tsaka ayoko siyang pag-usapan, siya ang dahilan kung bakit nag-away tayo." without looking at me but I can see him frowning.

"No, I'm, I'm just curious. I don't know. Pero kung ayaw mo, that's okay." pero inopen ko ang profile database ng lahat ng tao dito sa Pilipinas, and I enter her name.

Ayaw magprovide ng information ni Kyle, kaya napilitan akong magresearch mag-isa. Baka di kasi ako matahimik.

Nung nakita ko yung complete profile niya, typical profile lang ng isang mayamang babae, socialite, mataas ang pinag-aralan, listahan ng mga business nila, ng mga ari-arian, at ang kumpletong bio niya. Pangalan ng tatay at nanay, at nalaman kong, nag-iisang anak lang pala siya. Alcantara. Ulila na pala siya. Wala ng mga magulang, gaya ko.

My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon