Chapter 2: The Arrival

420K 5.1K 338
                                    

Kurt's POV

Nakabalik narin ako, after leaving the Philippines 5 years ago. It's been along time. Marami din akong taong naiwan dito, syempre namimiss ko sila lahat pero may isang bukod tanging tao na hindi talaga nawala sa isipan at puso ko for these 5 years.

By the way I am Xavier Kurt Montefalcon. My Mom's name is Miyuki Hayashi, she’s Japanese and my Dad's name is Nathaniel Montefalcon. Everybody thought that we are a perfect and happy family dahil successful ang business namin, ang Angel Company. We own the famous Angel Palace Waterpark and Spa. Dad owns 60% share of the company while Mr. Cruz owns 25% ang iba hindi ko na alam kung kanino. But behind the mask that our family is wearing, we are really broken. Laging nag-aaway si Dad and Mom. Hindi talaga sila magkasundo simula pa noong bata ako. I always heard them shouting and yelling at each other. Kaya naging failure din ako. Well so much for my pathetic life story.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa saka ko hinanap ang pangalan ng bestfriend ko sa phonebook.

Gab..

Saka ko tinap ang screen para tawagan siya.

Calling Gab....

 (Hello?)

"Pare kamusta na?"

(Pre, napaaga ka ata. Andito kana ba sa bansa?)

"Oo pare ngayon ngayon lang. Asan ka? Samahan mo naman ako oh?"

(Pare andito kasi ako sa ospital ngayon binabantay ko si KC may lagnat kasi. Hindi ko maiwan.)

"Wrong timing naman. Asan bang ospital iyan? Pupuntahan nalang kita."

(St. Mary Hospital pre room 401.)

"Cge papunta na ako diyan."

Binalik ko na ang cellphone sa bulsa ko at tinungo ang exit ng airport. Saka ako pumara ng taxi.

“Manong, St. Mary Hospital po.”

Sambit ko sa driver.

“Cge po Sir.”

Pagkatapos ng halos isang oras, nakarating nadin ako sa ospital. Tinignan ko ang amount na babayaran sa taximeter.

“Eto na po Manong. Maraming salamat po.”

Inabot ko na sa Driver ang pamasahe ko saka ako lumabas ng taxi at pumasok sa loob ng ospital.

Hinanap ng mga mata ko ang Room 401.

 “401..401..”

“Ayun!”

Kumatok na muna ako sa pinto. 

 *knock* *knock*

 "Pasok"

Narinig kon sabi ni Gab sa kabilang pinto. Hindi ako maaring magkamali, boses iyon ni Gab. Binuksan ko na agad ang pinto.

"Pare! Musta na? Namiss kita ah."

Nilapitan ko si Gab tapos nag high five at side hug na rin. Namiss ko tong lokong to.

"Eto ok lang naman. Gwapo parin gaya ng dati. hahaha.. Ikaw ba?"

Pagbibiro ni Gab. Hindi parin siya nagbabago.

"Eto mas lalong gumwapo..hahaha."

Hindi rin ako nagpatalo sa pagbibiro.

"Lakas ng apog mo pre. Di ka parin nagbabago mayabang parin. Ahaha”

Pagbibiro ni Gab.

Walang hiya talaga itong si Gab. Hahaha.

"Aba lumaki na ata si KC may boyfriend na ba?"

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon