[16] TVC Shooting

579K 9.4K 1.7K
                                    

[16] TVC SHOOTING

 

KAYE ANNE'S POV

**THE NEXT DAY**

 

Sinadya kong agahan ang gising ko ngayong araw. Hindi kasi ako nagka-chance na kausapin si Nathan kagabi pagdating ko dahil tulog na yata siya. At isa pa, sabi sa akin ni Austin kagabi na maaga niya raw akong susunduin dito. Mas mabuting ready na ako kapag dumating na si Austin.

Nakapagtataka... Wala pa kasi hanggang ngayon si Nathan. Napuyat na naman ba siya kagabi?

"Ate Lie, si Nathan? Tulog pa rin ba siya?" Tanong ko sa kanya. Kasalukuyan akong kumakain ngayon ng breakfast kasama sina Ate Lie at Kuya Darryl. Sina Tito Albert at Tita Lorena naman daw ay tulog pa rin hanggang ngayon.

"Nakita ko si Nathan na lumabas ng bahay ah," sagot sa akin ni Kuya Darryl bago humigop sa kape niya. "Baka nag-i-stroll lang yun sa labas. Maya-maya lang uuwi na rin yun."

Buti naman. Akala ko, tulog pa rin siya hanggang ngayon. Nag-aalala lang ako kasi baka hindi ako makapagpaalam sa kanya kung biglang dumating si Austin.

Tahimik lang kaming kumain nina Ate Lie at Kuya Darryl. Nakakapanibago nga eh. Usually, magkukwentuhan lang kami habang kumakain. Pero bakit iba yata ngayon? Iba yung atmosphere ng bahay eh. Parang ang lungkot? Ang gloomy. :(

Ilang saglit lang ay natapos na rin kaming kumain. Si Kuya Darryl, nagpaalam na mag-i-stroll lang daw siya sa labas gamit ang motorbike niya. Nagvolunteer naman akong tulungan si Ate Lie na maghugas ng pinagkainan namin. But I ended up wiping the dishes anyway. Bisita raw kasi ako ni Nathan. Hindi ko alam kung anong koneksyon. -_-

"So, uuwi na kayo ngayon ng boyfriend mo?"

I nodded my head in reply. Medyo focus kasi ako sa pagtuyo ng mga hinugasang plato ni Ate Lie.

"If you don't mind me asking, ayos lang ba kayo ni Austin?" She asked and so I looked to her with my questioning eyes. "I mean, hello? Syempre, boyfriend mo siya tapos nakita niya kayong--- Alam mo na yun!"

Iniling ko ang ulo ko ng bahagya. "We're fine, Ate Lie. Naiintindihan naman niya eh."

"Wow, hindi nagselos?"

Napangiti nalang ako. "He trusts me a lot and so do I. Sabi niya sa akin, babawi nalang siya sa akin pag-uwi namin sa Maynila."

"Babawi?"

"Babawi sa mga araw na hindi kami nagkasama."

Tumaas ang dalawang kilay niya at halata ko sa kanya na pilit lang ang pagtango niya sa akin, "Aaaahhh... Nice ha! Ang sweet. Ilang buwan na ba kayo magdyowa?"

Ilang buwan na nga ba kami ni Austin? Err... Hindi naman kasi kami nagcecelebrate ng monthsarry dahil hindi naman daw kami teenagers para gawin yun. Oh well, month of September ko siya sinagot. Hindi ko alam kung anong exact date. Ako na ang walang kwentang girlfriend. Hindi ko tuloy alam kung kailan kami magcecelebrate ng anniversary. -___-

"7 months na..."

"Ma'am..."

Sabay naming nilingon ni Ate Lie ang boses. Nakita namin ang isang kasambahay nila na nakatayo sa pinto ng kitchen.

"May bisita po sa labas. Pinapasabi niya na susunduin niya na raw po kayo, Ma'am Kaye Anne."

Uuwi na pala ako :(

Umalis na rin yung kasambahay kaya kami nalang ulit ang naiwan ni Ate Lie. Waaahh! Mamimiss ko 'tong bahay, pati na rin yung mga tao dito. Ano ba yan... Hindi yata ako ready na umalis.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon