Chapter 1: Welcome back

4.6M 78.7K 44.7K
                                    

(Warning: Madaming SPOILERS sa comment box. Kung ayaw ma spoil, don't read the comments. Thanks!)
--


CANDICE

Six months ago...

Nakatitig pa rin ako sa cellphone ko. Hindi pa rin ba siya magpaparamdam sa 'kin? Naiinis na talaga ako sa kanya. Hoy, pusang robot! Tawagan mo naman ako, o? Kahit text nga lang, masaya na ako e.

"Ano na namang problema mo, Noona?" tanong sa 'kin ni Lucas.

"Si Pusa kasi e! Hindi pa rin nagpaparamdam sa 'kin. Tatlong araw na akong walang naririnig na kahit ano sa kanya." Sumimangot na lang ako. Ang sad lang talaga.

Ginulu-gulo naman ni Lucas 'yong buhok ko. Akala niya talaga bata ako. Palagi siyang ganyan sa 'kin! HMPF!!! "Maybe he's just busy. 'Wag ka nang malungkot diyan. Uuwi na rin naman tayo." Sabagay, baka busy nga talaga siya. Ilang oras na lang naman 'yong hihintayin ko at makikita ko na ulit siya.

"Humanda lang talaga sa 'kin 'yang pusa na 'yan kapag nagkita kami!" Narinig ko nang tumawa si Lucas sa mga sinabi ko. "E, bakit ba? Excited na akong makita si Jeydon ko e."

Ang tagal kasi ng flight namin, kanina pa kami naghihintay ni Lucas dito sa waiting area.

"Sleep now, Noona. Matagal pa tayo. I'll just wake you up kapag aalis na 'yong plane natin."

"Okay, Lucas," sumandal ako sa balikat niya. Hindi rin naman nagtagal at nakatulog na ako.

Sobrang himbing ng tulog ko! Ang saya-saya ko lang. After two years kasi ay babalik na ulit ako sa Philippines. Ang dami ko nang na-miss sa Pinas. Simula nang umalis ako papuntang Korea, hindi pa ako nakakabalik dahil ang daming ginagawa sa school. Marami na kayang nagbago? Sana wala.

Pagkatapos ng first anniversary namin ni Jeydon, minsan na lang siyang nakabalik sa Korea. Naiintindihan ko naman kasi hindi siya pinapayagan ng daddy niya, pati busy rin naman siya sa school niya. Palagi naman niya akong tinatawagan e. Kada-oras nga tatawag siya sa 'kin. At kahit na hindi kami nagkikita, hindi nababawasan 'yong pagmamahal ko sa kanya. Hindi rin nababawasan 'yong pagmamahal sa 'kin ni Jeydon. Nando'n pa rin 'yong sweetness niya. Kaya kahit long distance relationship kami, tumagal pa rin kami.

Lately lang siya naging cold. Tatlong araw na nga siyang hindi nagpaparamdam sa 'kin e. May problema kaya? Hindi naman siya ganito dati.

"Candice..."

Pakiramdam ko narinig ko 'yong boses ni Jeydon kaya minulat ko 'yong mata ko.

"Hubby?" Pagsilip ko, nasa Incheon Airport pa rin kami rito sa Korea. "Bakit nasa Korea ka?"

Hindi niya ako sinagot. Ngumiti lang siya sa 'kin tapos tumalikod siya. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Litung-lito ako. Bakit nandito siya at bakit ganyan siya?

"Teka, hubby! May problema ba? Tatlong araw ka na ngang hindi nagpaparamdam sa 'kin tapos hindi mo pa ako kakausapin?" Nilingon niya ako na may blangkong ekspresyon sa mukha.

"Candice, it's over."

Hala, ano raw? It's over? Ano 'yong over? Kami ba 'yong tinutukoy niya?

"We're over. Candice, I'm breaking up with you." Natawa ako bigla sa mga pinagsasabi niya.

"Hubby naman e! Hindi magandang biro 'yan! Miss na miss na miss na nga kita tapos ganyan ka pa mag-joke?" Babatukan ko talaga siya e. Loko 'tong Doraemon na 'to. Ang lakas ng trip e.

Lumapit ako sa kanya para yakapin siya pero tinulak niya ako.

"Tama na, Candice. Tapos na tayo."

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon