Chapter 22

254K 3.1K 34
                                    

CHAPTER 22

Bangag akong naglakad papunta ng room. Hindi ko na nga rin nahiraman ng book si Faith kaya pinakopya ko na lang sakanya yung homework ko. Martin.. andito sya. Sya yung kanina sa library, hindi ba? Or namamalikmata lang ako? But what the hell.. no! Sya talaga yun. Pero ang tanong, why?

“Oy, Maxie!” I bliked as Faith called me.

“Ha? Ano?” Tanong ko.

“Okay ka lang?”

“Uhh. Yea.” Simpleng sagot ko.

Saktong dumating si Roxy kasabay ng professor namin. Nagmamadaling lumapit samin si Roxy at umupo sa tabi ko.

“Bes!!!” Hinihingal pa nitong sabi.

“Oh? Problema mo?” Nagtatakang tanong ko.

“Ano, kasi.. may bago.” Yan lang ang nasabi nya dahil agad na kaming pinatayo ng professor namin.

We just did a little prayer and a morning greeting and then pinaupo na kami.

“Maxine!” Natatarantang tawag sakin ni Roxy. Sasagot na nga sana ako kaso nagsalita ulit si prof.

“Alright, before we proceed with today’s lessons, I’d like to announce na may bago kayong kaklase.” Aniya.

Nagbulung-bulungan naman ang mga kaklase ko habang ako napataas lang ang kilay ko. Sinong papasok sa ganitong timing? Three weeks na lang ay midterms na. At bakit pa sya natanggap? Dapat hindi na, anong grades nya sa prelims?

Nang tignan ko si Roxy ay parang punong puno ng pagaalala ang mukha nito. Anong problema ng baklitang to?

“Mr. Dela Vera, please come in and introduce yourself.” The professor said

Dela Vera. Dela Vera? Could it be..

Halos mapatid ang hininga ko nang nakita ko ang taong pumasok sa loob ng classroom at naglakad patungong harapan. He was flashing his grin and was obviously making some girls drool. If I were them, hindi ako maglalaway sa lalaking katulad ni Martin. Napansin ko ang ginawa nyang paggala ng kanyang mga mata, like as if he was looking for something.. or rather, someone.

And when our eyes met, he smirked at me before looking at our classmates again.

“Martin Dela Vera.” Simpleng sabi nito. Then he looked back at me. “Hi, Maxine.” Tila nangaasar nitong sabi. And that was when my classmates turned their heads on me. They were staring at me, probably waiting for my answer. Marahil nagtataka sila kung bakit ako kilala ni Martin.

I looked away and took my notebook out of my bag instead. Buti na lamang at hindi na pinatulan ng professor namin ang sinabi ni Martin. Pinaupo na nya ito sa isang bakanteng upuan sa likod. I’m glad na malayo sya sakin.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon