Kabanata 10

1M 30.7K 16.2K
                                    

Kabanata 10

Lubayan Mo Ako

Mabilis siyang pumunta sakin. Hahawakan na sana ni Clark ang mga braso ko dahil nanginginig ako sa galit pero napaatras ako sa pandidiri.

"FUCK YOU, DON'T YOU DARE TOUCH ME!" Sigaw ko.

Natigilan siya at napalunok. Wagas ang pagkasuklam ko sa kanilang dalawa. Sa kay Clark na hanggang ngayon ay namumutla parin siya. Tuliro siya at halatang nagugulantang parin sa biglaang pagsulpot ko.

Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Clark at kay Janine. Hindi parin umaalis si Janine sa kama ni Clark. Nandoon lang siya at gulantang na nakatingin sa amin habang nakatapis lang ng kumot.

"MGA HAYUP KAYO!" Sigaw ko.

"Chesca, Let me explain!" Ani Clark.

Halos matawa ako sa sinabi niya.

Iyon lagi ang linya ng mga cheater. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ito sa akin. Tatanggapin ko sana kung nag landian lang ang dalawa... shit, right? Tatanggapin ko! Pero itong may ganitong eksena na sa utak ko, hindi ko matanggap! Nasusuka ako! Bumabaliktad ang sikmura ko! At hindi ko alam kung kaya ko pa ba silang tanggapin sa buhay ko.

Sinubukan ulit ni Clark na hawakan ako dahil panay na lang ang tulo ng luha ko at tingin sa kanya ng matalim.

Sinampal ko agad siya. Isang sampal na galing pa sa baba kaya naman agad pumula ang kanyang pisngi. Hindi ko maalala kung nakasampal na ba ako ng tao noon pero ito na yata ang pinaka di makakalimutang sampal na ginawa ko.

Naiiyak na humarap si Clark sa akin.

"Ches, I'm sorry. Honey."

"FUCK YOU, CLARK JOSON! FUCK YOU, CAMPOS!" Halos mapaos ako sa pagsisigaw ko. "Mga baboy kayo-"

"Sorry, honey-"

Nairita ako kaya tinadyakan ko na agad ang maselang bahagi niya. Napayuko siya at napadaing sa sakit.

"Wa'g mo akong ma honey-honey, tangina mo!" Hindi ko na napigilan ang pagmumura. Masyado na akong nadala at nandiri. "Shit, Janine!" Bumaling ako sa kaibigan kong nakatunganga parin doon. "Alam kong makati kang babae pero..." Umiling na ako at bumuhos ang luha ko.

"Ches..." Umiling din siya at umiyak.

"WALANGYA KA!" Sigaw ko sabay sugod at hila sa buhok niya. "Wala kang karapatang umiyak!"

"Chesca, tama na!" Sigaw ni Clark.

Hinawakan ko ang buhok niya at hinila siya paalis ng kama. Kumalabog ang sahig dahil sa pagkakahulog niya sa kama. Tumambad ulit sa akin ang hubo't-hubad niyang katawan.

Nag dilim na talaga ang paningin ko lalo na nang hinawakan ni Clark ang braso ko. Binitiwan ko ang buhok ni Janine at binalingan si Clark para sampalin ulit.

"Let me explain!" Pag uulit niya.

"SHIT! FRANCESCA!" Sigaw ni Janine na ngayon ay nakahandusay ang kalahati ng katawan sa sahig at ang kalahati sa kama.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon