Prologue

8.9M 112K 41.1K
                                    




Certified good girl, ayan ako three years ago...


"Nasaan 'yong boss mo?"

"Nasa loob na po siya. Hinihintay niya po kayo." Ngumiti ako sa kanya bago ako pumasok sa loob ng bar.

Mas lalo pang gumanda 'yong bar na 'to. Hindi na ako nagtataka kung bakit napakaraming tao rito. 'Yong place, music, at aura; it's just so beautiful. I guess Troy is taking his business seriously. It's only been five months, but I already miss him.

"What the fuck?!" sigaw ng babae na nasa harap ko. Sa sobrang pakikipaglandian niya sa lalaking kasama niya, hindi niya tuloy ako napansin at nagkabanggaan kami. "Look at what you've done to my dress!"

Natapon sa damit niya 'yong hawak-hawak niyang alak. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Lahat ng suot niya, halatang cheap. Isama mo na rin siya na mukhang cheap. She doesn't know who she's messing with.

"Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo, do you think mababangga ka sa 'kin? Wala ka bang common sense?" She looked really pissed about what I said.

"How dare you say that to me?! Akala mo kung sino ka!" Ang lakas ng music sa bar pero nangingibabaw 'yong boses niya. Nakalunok ba siya ng microphone?

"Hindi ka talaga marunong gumalang, 'no?"

"What are you talking about?!" Lumapit ako sa kanya, malapit na malapit sa tenga niya, dahil gusto kong marinig niyang mabuti 'yong sasabihin ko.

"Matuto kang gumalang sa mas nakakaganda sa 'yo."

Nginitian ko siya, then I winked at her. And it really, really pissed her off. Well, that's what she gets for messing up with me.

"What did you just say?! Ang kapal ng mukha mo!" Inangat niya 'yong kamay niya para sampalin ako. Pero bago pa niya magawa 'yon ay naunahan ko na siya. I slapped her ugly face.

"Tingin ko, mas makapal 'yang mukha mo. Nasaktan ako sa sampal na 'yon ah." Seriously, makapal nga talaga 'yong mukha niya.

"You bitch!" I know, right?

"Alam mo 'yong pag-iinarte? May binabagayang mukha 'yan. At sa kaso mo, hindi ka bagay mag-inarte."

"Gusto mo talaga ng away ah?! Well, I'll give it you!" Lumapit siya sa 'kin.

Sa itsura pa lang ng mukha niya, napaka-war freak na niya. Sasabunutan niya sana ako pero hinawakan ko 'yong kamay niya para pigilan siya. Tiningnan ko siya nang mata sa mata.

"Gusto mo talaga akong kalabanin? Pagbibigyan kita. 'Wag mong sabihin na hindi kita binalaan ah?" Binitiwan ko siya, still looking at her with my deadly glare.

Akala ko susugurin niya pa rin ako pero hindi. Natulala siyang saglit tsaka siya tumakbo palayo.

"You know what, best friend? You're really different now." Napalingon ako sa kanya. Yeah, iba na ako. Ibang-iba sa dating ako. "It's good that you're back, Candice."

"Did you miss me, Stacey? Yes, I'm back. I'm back for my revenge."

Ngayon na na-realize ko na ang lahat, I suddenly want to see him. Gusto kong ipamukha sa kanya at sa kanila kung sino at ano na ako ngayon. Kung paano nila ako binago. Three years ago, isa akong good girl na palaging inaapi at sinasaktan. Palaging niloloko at inuuto. Ako 'yong tao na iiyak na lang sa tabi—mahina at tahimik lang. Kaso dahil sa sakit na ipinaramdam niya sa 'kin, nagbago ako. Naging mas matapang at matatag na ako. Hindi na ko papayag na maging mahina. Hindi ko na hahayaan na saktan at lokohin nila ako.

I want them to feel my sweet revenge...

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon